• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ordinansa sa regulasyon ng tubig, ipatupad

IMINUNGKAHI ni Metro Manila Council (MMC) president at San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon  na magpatupad ng mga ordinansang nagre-re­gulate ng tubig, upang mabawasan ang impact ng El Niño phenomenon.

 

 

Ayon kay Zamora, mahalaga ang pagsasagawa ng mga kaukulang hakbang upang tugunan ang epekto ng El Niño at makapagtipid ng water resources sa Kamaynilaan.

 

 

Binigyang-diin ng ­alkalde na mahalagang i-regulate ng mga local government units (LGUs) ang paggamit ng tubig, base na rin sa kanilang ispesipikong demograpiko.

 

 

Aniya, maaaring magpasa ang mga ito ng mga ordinansa na angkop para sa pangangailangan sa kanilang lugar.

 

 

Inihalimbawa pa ni Zamora na hindi lahat ng lungsod ay mayroong mga golf courses at malalaking hotel na may mga swimming pools.

 

 

Maaari pa rin naman aniyang mag-­operate ang ilang mga car wash ngunit dapat na maging episyente ang paggamit nila ng tubig upang maiwasan ang pagkasayang nito.

 

 

Iminungkahi rin niya ang pagtatayo ng mga water catchment areas sa NCR para ma-ma­ximize ang paggamit ng mga tubig-ulan.

 

 

Sa ilalim ng naturang sistema, ang tubig-ulan ay kokolektahin mula sa bubong ng bahay, patu­ngo sa mga drum upang kaagad na magamit sa ibang bagay, gaya nang pagpa-flush ng toilet o paglilinis.

 

 

Anang alkalde, sa San Juan City ay nagtayo na sila ng mga catchment systems sa mga barangay halls, gayundin sa mga city-owned facilities.Pinayuhan din ni Zamora ang publiko na magkaroon ng disiplina at huwag mag-aksaya ng tubig. Binigyang-diin pa niya na mahalaga ang pagkakaroon ng proactive measures, partikular na sa panahon ng El Niño phenomenon.

Other News
  • IPAPATAYONG COMELEC BUILDING, HINDI LUHO

    IDINEPENSA ng Comelec Chief  na hindi luho kundi necessity ang gusali ng Comelec na ipinapatayo.     “Hindi naman po ito luho itong pagpapagawa ng building. Ito po ay talagang necessity. Kailangang kailangan lang po talaga”,  ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa mahigit dalawang hektaryang site kung saan itatayo ang 9 storey building ng […]

  • Sa bonggang music video ng “Nasa Atin ang Panalo”: SB19, BINI, SunKissed Lola, Flow G at Puregold, nagsanib-puwersa

    MATAPOS ang ilang linggo ng pagtaas ng antisipasyon at pagpapatikim sa mga kanilang mga social media, inilabas na ng Puregold ang music video ng bagong kantang “Nasa Atin ang Panalo.”           Ipinakita nito noong Mayo 25, karapat-dapat na panoorin ng mga fan ng Pinoy Pop ang music video. Tinodo ang kolaborasyon […]

  • Malakanyang, nanawagan kina VP Leni Robredo at Senador Franklin Drilon na tigilan ang pamumulitika

    NIRESBAKAN ng Malakanyang ang tila maagang pamumulitika nina Vice-President Leni Robredo at Senador Franklin Drilon.   Ito’y makaraang sabihin ni Senador Franklin Drilon na 2.5-billion pesos lang ang napondohan sa pagbili ng COVID vaccine habang ang natitirang pondong dapat gamitin ay wala pa umanong revenue source.   “Malayo pa ang eleksiyon kaya’t tigilan na ang pamumulitika,” […]