• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA

IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games.

 

Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021.

 

Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng epektibong vaccine ay siguradong madadali ang kanilang trabaho lalo pa at ibinalita na ang isang vaccine ay 90 percent na epektibo base sa ginawang trial.

 

“The organizing committee is not disconnected from society… and I heard the vaccine news,” ani Tokyo 2020 Games delivery officer Hidemasa Nakamura.

 

“And the organizing committee is feeling the same as you probably felt, positive sentiment and relief,” dagdag pa nito.

 

Nagkagulo ang global markets matapos sabihin ng US pharmaceutical giant Pfizer na maganda ang resulta ng vaccine at 90 percent itong epektibo sa isinagawang clinical trial sa 40,000 recipients para sa paghahanap ng vaccine.

Other News
  • Gilas 3×3 labas muna sa Calambubble

    Pansamantalang binasag ng Gilas Pilipinas 3×3 ang training camp nito sa Calambubble upang mag-asikaso ang buong delegasyon ng travel requirements para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Austria.     Ilang araw na lang bago tumulak ang buong dele­gasyon para sa Olympic qualifying tournament na idaraos sa Mayo 26 hanggang 30.     Ngunit matapos […]

  • Marvel’s Shang-Chi Confirmed To Release Only In Theaters By Disney

    MARVEL Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings movie will release only in theaters on September 3 according to the Disney CEO Bob Chapek.     The second movie in the Marvel Cinematic Universe Phase 4 is set to introduce Simu Liu as the titular hero, Shang-Chi. As has been confirmed by the film’s title […]

  • Kumpiyansa si Delos Santos sa all-Filipino Cignal vs F2

    Ang Cignal ay gumawa ng isang nakakagulat na hakbang upang simulan ang laban nito laban sa F2 Logistics sa Premier Volleyball League Reinforced Conference noong Sabado.   Ang HD Spikers ay naging All-Filipino sa unang set, na napatunayang epektibo nang sila ay sumugod sa 25-21 opener laban sa Cargo Movers kung saan si Lindsay Stalzer […]