• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Orle, Pantone papalo sa PLDT

TATRANGKAHAN pala nina French import Maeve Orle at legendary libero Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone habang si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb pa rin ang magmanado para sa PLDT Home Fibr sa nakatakdang 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020.

 

Puntirya ng Power Hitters na maparehasan, hindi man mahigitan ang bronze medal na tinapos dito sa nakalipas na taon sa pagbabalik pa rin nina Vira May Guillem, Aiko Urdas, Shola Alvarez, Jorelle Singh, Rysabelle Devanedera, Alysa Etoa, Kath Villegas, at Joyce Sta. Rita.

 

Nasa team din ang mga bagong saltang sina Jan Andrea Morano, Necelle Mae Gual, Sheek Gin Espinosa at Menchie Tubiera, Sheeeka Gin Espinosa sa paghalili kina Grethcel Soltones, Jasmine Nabor at Jerrili Malabanan.

 

Lumanding na pang-anim at panlima lang ang kampo sa all-Filipino at Invitational conference, ayon sa pagkakasunod, sa nagdaang edisyon ng liga.

 

Kaugnay nito, binanggit ni Clint Malazo na si veteran coach Gorayeb pa rin ang mamando sa koponan sa kabila na siya ang namamahala sa kasalukuyan sa trainings at drills.

 

“Okay naman na siya, nagre-recover na lang siya,” wika ng PLDT assistant coach sa pagpeprepara ng team para sa pagbubukas ng women’s indoor volleyfest sa Pebrero 29.

 

Nasuring may multiple myeloma si Gorayeb sa nakalipas na taon at patuloy pang sumasailalim sa chemotherapy sessions. Nasa bench siya ng team buhat pa noong 2018.

 

“By March. Baka sa first game pwede na rin siya. Hindi pa natin alam, hindi pa namin napag-usapan,” dugtong ng Power Hitters asst. coach.

 

Kahit limitado pa kung gumalaw, sumasaksi naman na si Gorayeb sa mga training ng PLDT para sa PSL season-opening conference.

 

“Nasa training na siya palagi pero siyempre hindi muna siya nagdi-drills. Kami muna,” wakas na saad ni Malazo.
Matatasahan agad ang PLDT kopening game sa Peb. 29 kontra Sta. Lucia Lady Realtors sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

 

Good luck na lang sa inyo. (REC)

Other News
  • 200 tauhan ng LTO-NCR West ipapakalat ngayong Semana Santa

    NASA  200 na mga kasapi ng Land Tranportation Office sa National Capital Region-West ang ipinakalat nila para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”.     Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III na layon ito ay para matiyak na nasusunod ng mga pampasaherong sasakyan ang Land […]

  • Gulo sa PWAI nasa AWF na

    UMABOT na rin pala ang alingasngas sa Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF).   Ito ay ang kawalang eleksiyon sa National Sport Association ng ‘Pinas sapul noong taong 2016 at basta na lang pinalitan ito ng bagong pangalan.   Si PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. […]

  • PBBM, PINURI ANG MGA KASAMA SA MATAGUMPAY NA PAG-ARESTO KAY DATING CONG. TEVES SA TIMOR-LESTE

    PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies at international partners sa matagumpay na pag-aresto kay dating congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste.     Tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang aksyon para ibalik si Teves sa Pilipinas upang harapin nito ang mga […]