• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na

LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang hene­rasyon ng COVID-19 vaccines na target ang Omicron variants, nagpapakita ito na mas nakakapagprodyus ng mas mabisang mga antibodies at proteksyon kumpara sa unang henerasyon ng bakuna.

 

 

Sa inaasahang pagpasok ng bagong bakuna, inaasahan na mapapahina na nito ang Omicron lineage at maputol na ang transmission.

 

 

Pinangunahan nina Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagbubukas ng 25-bed capacity outpatient clinic na paunang magkakaloob ng outpatient services kasama ang dalawang pansamantalang itinalagang duktor, dalawang nars, isang attendant at apat na security guards.

 

 

Ayon kay Dr. Protacio Bajao ng Bulacan Medical Center, bukas ang ospital simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes lamang.

 

 

Samantala, ang nalalabing departamento ng nasabing level 1 hospital ay inaasahang magiging operasyunal sa susunod na taon.

 

 

Nakatindig ang ospital sa 8,000 square meters na lote na may floor area na 1,824.55 square meters at dalawang palapag, katabi ang isang one-storey building.

 

 

Ayon kay Provincial Engineer Glenn D. Reyes, nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang kabuuang pondo na P40,047,600 at P19,180,064 naman mula sa National Housing Authority fund upang maitayo ang gusali na may kabuuang halagang P59,227,665.

 

 

Sa kanyang mensahe bago isagawa ang inagurasyon, pinasalamatan ni Fernando ang NHA gayundin ang Pamahalaang Bayan ng Pandi at si Kinatawan Ambrosio Cruz para sa kanilang suporta.

 

 

“Saludo tayo sa kanilang suporta. Maraming, maraming salamat po. Kailangan nating palakasin talaga ang health services at sa sama- samang pagtutulungan, ngayon po ay nakatindig na at makapagseserbisyo na ang outpatient clinic ng Pandi District Hospital,” anang gobernador.

 

 

Plano rin ni Fernando na isaayos ang Calumpit District Hospital at paigtingin ang kampanya ng probinsiya upang mas maraming Bulakenyo ang mapagkalooban ng universal health care. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Nakaambang taas singil sa tubig posibleng maramdaman na sa pagpasok ng 2023

    BAD NEWS para sa ating mga kababayan ngayong pagpasok ng bagong taon dahil may nakaambang na taas singil sa tubig sa unang buwan ng 2023.       Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, na ang naturang taas singil ng Maynilad at Manila Water ay para sa pagpapaigting ng kanilang serbisyo tulad ng pagme-maintain […]

  • Sa hirit ni Kris na tila patutsada kay Herbert.. RUFFA, ‘di pinalampas at nag-comment ng ‘be kind to everyone, including your ex’

    HINDI pinapalampas ni Ruffa Gutierrez ang tila patutsada ni Kris Aquino sa campaign sortie ni V.P. Leni Robredo sa Tarlac tungkol sa kanyang ex.     Ipinagpalagay na agad ng marami na ang tumatakbo sa pagka-Senator na si Herbert Bautista ang pinapatamaan nito sa conversation nila ni Angel Locsin.     Minsan nang nagsalita si […]

  • Malakanyang, binatikos ang plano ng Senado na ipatawag si Durante para magpaliwanag ukol sa pagtuturok ng bakuna laban sa Covid- 19 sa mga PSG personnel

    BINATIKOS ng Malakanyang ang panukalang ipatawag si Presidential Security Group (PSG) commander Brigadier General Jesus Durante III sa SEnado para magpaliwanag ukol sa inoculation o pagbabakuna sa PSG troops gamit ang unregistered COVID-19 vaccine.   Umapela si Presidential spokesperson Harry Roque sa Senado na igalang ang hiwalay na kapangyarihan sa pagitan ng ehekutibo at leislaturang […]