• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP, dumipensa na pumasa sa audit ng COA ang mahigit P668K halaga ng biniling equipment

DUMIPENSA ang Office of the Vice President (OVP) na na-validate at pumasa sa audit ng Commission on Audit (COA) ang procurement o pagbili ng ahensiya ng mahigit P600,000 na halaga ng mga kagamitan para sa mabilis na pagpapatayo ng ilang satellite offices nito na nauna ng pinuna ng komisyon dahil sa bigo umano itong sumunod sa procurement process.

 

 

Ginawa ng OVP ang naturang paglilinaw matapos i-call out ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro ang OVP kasunod ng ulat ng COA.

 

 

Una rito, base sa 2022 annual audit report ng COA, napag-alaman ng state auditors ang pagbili ng OVP ng Property Plant and Equipment (PPE) at Semi-Expendable Equipment na nagkakahalaga ng kabuuang P668,197.20 para sa satellite offices nito subalit bigo umano ang OVP na sumunod sa procurement law.

 

 

Ipinaliwanag naman ng OVP na ang mabilis na pagtatatag umano ng kanilang satellite offices nang walang sapat na equipment para mag-operate ay humantong sa desisyon ng OVP na agad na bumili ng naturang mga equipment gamit ang pera ng kanilang mga officer na binayaran din naman kalaunan ng OVP sa pamamagitan ng reimbursement.

 

 

Iginiit din ng OVP na wala naman umanong inisyu ang COA na notice of suspension o disallowance kaugnay sa nasabing procurement. (Daris Jose)

Other News
  • 7 INARESTO SA PANGGUGULO SA TONDO

    PITO katao ang arestado matapos magdulot ng gulo at muntikan nang makabaril ng isang alagad ng batas sa Tondo , Maynila kagabi.       Ayon sa Manila Police District (MPD), kinilala ang mga suspek na sina Vicente Ubias  Palacpac, Ruben Diño , Bañez,  Flaviano Aron  Jr,  Eduardo Ubias, Richard Melo , Agrifino Esteroza Jr […]

  • DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia

    Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor.       Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay.     “The policy is not anti-poor […]

  • Ilang kawani ng PDEA nahulian ng P9-M halaga ng droga

    ARESTADO  ang ilang operatibo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulian ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon.     Isinagawa ng PNP National Capital Region Police Office ang operasyon ang buy-bust operation sa headquarters ng PDEA sa lungsod ng Taguig.     Nakuha sa mga ito ang maliit na paketa ng na […]