OVP, pinanindigan ang pahayag ukol sa ‘rejected’ referrals
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
PINANINDIGAN ng Office of the Vice President (OVP) ang sinabi nito na tinanggihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libo-libong referrals mula sa OVP.
Taliwas ito sa sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may pruweba ito na in-accommodate nila ang ‘requests for assistance’ mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
“The claim by Secretary Rexlon Gatchalian that the Department of Social Welfare and Development has accommodated all referrals from the Office of the Vice President is inaccurate and misleading,” ang sinabi ni OVP Director for Operations Norman Baloro.
“While such statements may paint a picture of seamless coordination between our two offices, the reality on the ground tells a different story,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, itinuro ni Gatchalian si Baloro bilang handling officer ng OVP na di umano’y nagsabi na in -accommodate ng DSWD ang lahat ng kanilang requests matapos sabihin ni VP Sara na pinopolitika ng DSWD ang assistance program ng gobyerno.
Sinabi pa ni Gatchalian na maaari silang magbigay sa Senado ng kopya ng screenshots ng nasabing pag-uusap.
Subalit, biglang bawi naman si Baloro at nagpahayag na “there had been several instances when OVP referrals were declined.”
Binigyang halimbawa ni Baloro ang tinanggihan na request for assistance ng DSWD mula sa grupo ng mga indibiduwal na apektado ng African Swine Flu. Ang katuwiran ng DSWD, hindi ito gumagawa ng “mass payout” sa kabila ng ginawa naman nila ito sa ibang lugar kasama ang ibang politiko.
Mayroon ding 7,056 pending applications para sa Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS) at 2,597 pending applications para naman sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ang ni-refer ng OVP Satellite Offices sa Panay at Negros Island.
Tinuran ni Baloro na naghanda siya ng listahan ng mga tinukoy na benepisaryo ng OVP Cebu, Bohol, at Siquijor Satellite Offices kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang tulong mula sa DSWD.
“There is no clear explanation provided by the DSWD to the OVP referred clients from the Satellite Offices on the delay or inaction on the requests,” ang nakasaad sa kalatas ni Baloro.
“To dismiss these unserved clients is to ignore the real challenges many Filipinos face in accessing social services,” aniya pa rin.
Kaya nga nanawagan si Baloro sa DSWD na kaagad na kumilos “to address these gaps and fulfill the government’s obligation to provide aid to every Filipino.” (Daris Jose)
-
Pilipinas, hindi lumagda ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine na Sinovac
HINDI lumagda ang Pilipinas ng indemnification deal para sa COVID-19 vaccine sa Beijing-based Sinovac Biotech. Ang indemnification agreement ay magsisilbing kalasag ng vaccine makers mula sa legal claims na magmumula sa kanilang emergency use. At sa tanong kung ang mga awtoridad ay lumagda sa nasabing kasunduan sa Sinovac, ay mabilis na “No” ang […]
-
Warriors nakalusot ng isang puntos vs Grizzlies, 117-116
NAKALUSOT ang Golden state Warriors ng isang puntos laban sa Memphis Grizzlies, 117-116, para makuha din ang Game 1 sa hiwalay nilang game sa Western Conference NBA semifinals. Naging susi sa panalo ng Warriors ang ginawa ni Klay Thompson na go-ahead 3-pointer sa kabila na may 36 seconds na lamang ang nalalabi sa […]
-
Marko Zaror To Join The Cast Of ‘John Wick 4’ As A New Foe For Keanu Reeves
THE Chilean actor Marko Zaror is in talks to join the cast of Lionsgate’s John Wick 4, according to the report. He joins a star-studded ensemble, including Keanu Reeves as John Wick, martial arts legend Donnie Yen, Rina Sawayama, Scott Adkins, Lance Reddick, and Shamier Anderson, as well as Laurence Fishburne. Zaror is best known for his work in the […]