• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP, tutulong sa DepEd sa paghahanda para sa pasukan

NAKIPAGTULUNGAN ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education para sa isang linggong nationwide school maintenance program para paghandaan ang opisyal na pagsisimula ng klase sa August 29 ng kasalukuyang taon.

 

 

Ang mga naturang ahensya na parehong pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ay nagtulungan para sa Brigada Eskwela 2023, na isasagawa mula Agosto 14 hanggang 19.

 

 

Ayon sa office of the Vice President, lalahok sa aktibidad ang sampung satellite offices nito sa Dagupan, Isabela, Region 5, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Surigao, Zamboanga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Lunes, Agosto 14, nakatakdang tumulong ang Office of the Vice President sa pagpapanatili ng East Central Integrated School sa Dagupan; Cauayan South Central School sa Isabela; Gogon Central Elementary School sa Legazpi; Labagon Elementary School sa Cebu; St. Francis Elementary School sa Tacloban; Victoria Elementary School sa Surigao; at Salum Elementary School sa Zamboanga.

Other News
  • Naalala ang daddy nang makita ang gazebo: IZA, naging emosyonal nang nakabalik sa GMA after 12 years

    ANG ganda-ganda ni Iza Calzado nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda”  last Tuesday, November 14.       Pagpasok pa lamang ng studio, hindi na napigilan ni iza ang maiyak na after 12 years ay nakabalik siya sa Kapuso Network, lalo pa at naalaala niya ang yumao niyang ama, ang actor-director na si […]

  • Ads August 15, 2024

  • PBBM, hangad na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa

    HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa para maging pantay ang trato ng ekonomiya sa lahat ng mga mamamayang Filipino.     Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos matapos makiisa sa Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) […]