• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P.4M droga, nasamsam sa 2 high-value individuals sa Caloocan

MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang high-value individuals (HVIs) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
          Nakatanggap ang mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities nina alyas “Pade”, 58, at alyas “Arnold”, 62, kapwa residente ng Brgy. 176 kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
          Nang positibo ang report, ikinasa ng DDEU ang buy bust operation kontra sa mga suspek, sa koordinasyon sa PDEA.
          Dakong alas-11:34 ng gabi nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek matapos magsabwatan na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Phase 8, Package 5, Barangay 176.
          Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 60 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P408,000 at buy bust money.
          Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
          Pinuri naman ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang DDEU. “We are fully committed to aggressively pursuing drug syndicates and dismantling their networks. Our fight against illegal drugs will continue until our communities are free from this menace,” diin niya. (Richard Mesa)
Other News
  • India unang darating para sa FIBA World Cup Qualifiers

    UNANG darating sa bansa ang India para sa FIBA World Cup Qualifiers na tatakbo mula Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Nakatakdang duma­ting Lunes ng gabi ang delegasyon ng India na binubuo ng 12-man national team kasama ang ilang opisyales at bahagi ng coaching staff nito.     Nangunguna sa listahan […]

  • ‘Godzilla vs. Kong’ Passes $100 Million At Domestic Box, Beating ‘Wonder Woman 1984’ Record

    GODZILLA vs. Kong officially becomes the second movie to earn $100 million at the domestic box office since the coronavirus pandemic began.     After almost three months it was released in theaters, Godzilla vs. Kong crosses the $100 million mark at the domestic box office, according to screenrant.com.     Due to the coronavirus pandemic, the […]

  • Stephen Curry no match kay Taylor Robertson pag dating sa tres

    Nagkita ang National Basketball Association all-time 3-point leader at United States National Collegiate Athletic Association women’s all-time 3-point leader sa Oklahoma City nitong Lunes.   Bago hinarap ng Golden State ang Thunder, nakipag-tsikahan muna si Stephen Curry kay Taylor Robertson ng University of Oklahoma Sooners.   Noong Sabado, nilista ni Robertson ang career 3-pointer No. […]