• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1.3 B nakalaan sa libreng sakay

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.3 billion para sa programa ng pamahalaan sa service contracting kung saan ang libreng sakay ay ibibigay sa mga pasahero sa loob at labas ng Metro Manila.

 

 

 

Ayon kay DBM secretary Amenah Pangandaman nasa ilalim ng 2023 national budget, ang P1.285 billion ay nakalaan para sa SCP ng pamahalaan na ipamamahagi ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Sa ilalim ng SCP, pinapayagan ang ahensiya ng pamahalaan na mag-hire ng public utility vehicles upang magbigay ng serbisyo sa mga ruta ng transportasyon at magbigay na libreng sakay sa mga pasahero sa EDSA busway kasama ang iba pang rehiyon sa labas ng Metro Manila.

 

 

 

“Since the DOTr is the implementing agency, it is up to them to identify the scope and coverage of the program. They have the option to spread or limit its coverage, based on the result of their study,” wika ni Pangandaman.

 

 

 

Binuo ang programa upang masiguro na magkakaroon ng mahusay at ligtas na operasyon ang mga pampublikong transportasyon sa ilalim ng bagong normal condition. Ang SCP ay magbibigay ng financial support sa mga service providers ng transportasyon sa pamamagitan ng performance-based payouts.

 

 

 

Binigyan diin ng DBM na ang libreng sakay ay malaking tulong sa mga Filipinong pasahero sapagkat nagkakaroon sila ng transport savings na kung saan puwede nilang gamitin ang nasabing savings sa ibang pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng pagkain at mga bayarin sa bahay.

 

 

 

Naitala ng pamahalaan na ang EDSA busway sa ilalim ng Libreng Sakay ay nakapagsakay ng may kabuuang 165 million na pasahero noong nakaraang taon. Naitala rin na may 389,579 na pasahero kada araw ang sumakay na may pagtaas ng bilang ng pasahero na 400,000 noong holidays kada araw.

 

 

 

Naibalita naman ng DOTr na kanilang tinitingnan kung matatapos ngayon taon ang privatization ng P551 million na EDSA busway na ibig sabihin ay ang pamamahala at operasyon nito ay ibibigay sa pribadong sektor.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, ang Ilocos provincial government ay nagsabing kanilang itutuloy ang programa sa Libreng Sakay ngayon taon. Sa ngayon ay ang Metro Ilocos Norte Council ay namahagi na ng “free ride” stubs sa kanilang constituents.

 

 

 

Mayroon 780 na ang nakakuha ng stubs na binubuo ng indigent students, senior citizens at persons with disabilities (PWDs) mula sa lungsod ng Laoag at mga bayan sa San Nicolas, Bacarra at Sarrat na nagkakahalaga ng P500 kada pasahero.  LASACMAR

Other News
  • Organizers ng Tokyo Olympics walang gagawing pagbabago sa mga venues

    Tiniyak ng organizer ng Tokyo Olympics na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda.   Walang aniyang pagbabago sa mga venues na gagamitin kung ano ang napag-usapan sa naunang plano.   Nakatakda kasing magbigay ng mga updates at ulat ang organizers sa International Olympics sa darating na Hulyo 17.   Magugunitang nagkasundo si Japanese Prime Minister Shinzo […]

  • QC Government itinanghal na Most Competitive LGU

    TUMANGGAP ng limang parangal ang Quezon City, kabilang ang Overall Most Competitve Local Government Unit sa ilaim ng Highly Urbanized Category.   Ang nasabing parangal ay iginawad ng Creative Cities and Municipalities Congress 2024 sa ilalim ng Department of Trade and Industry.   Nakopo ng QC LGU ang matataas na pwesto sa mga kategoryang Overall […]

  • Australian Olympian break dancer Rachel Gunn nag-sorry na sa breakdancing community ng kanilang bansa

    HUMINGI na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kanyang bansa.     Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics.     Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points.     Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na […]