P1.4 B MRT 4 tuloy na
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
Nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Spain-based design consultant IDOM Consulting, Engineering, Architecture SA ang isang consultancy contract para sa detalying architectural at engineering design na itatayong Metro Rail Transit Line 4 (MRT4).
Ang kabuohang gastos para sa consultancy contract ay nagkakahalaga ng $28.967 million o tinatayang P1.4 billion sa peso. Mangangaling ang pondo mula sa Asian Development Bank (ADB)
“Aside from the preliminary, design, detailed engineering and tender design, IDOM will also prepare the financial and economical assessments as well as loan processing, project safeguards and bidding documents for the MRT 4 project,” wika ng DOTr.
Naatasan rin ang IDOM na alamin ang tamang mode ng transportasyon sa alignment at magbigay ng methodology sa ridership validation.
Sinimulan ang mobilization ng proyekto nang ang DOTr ay nagbigay sa IDOM ng notice of award noong September 17.
Ang MRT 4 ay isang proyektong mass transit system na siyang magsisilbing dugtong sa eastern part ng Metro Manila kasama rin ang may mataas na populasyon na bayan at ciudad tulad ng Antipolo, Cainta, Taytay, Binangonan, Tanay, at ibang pang lugar na malapit sa probinsiya ng Rizal.
“The railway will cut across the cities of Mandaluyong, San Juan, Quezon, Pasig as well as the municipalities of Cainta and Taytay in Rizal to address traffic woes and limited road capacities in the highly populated areas of eastern Metro Manila,” dagdag ng DOTr.
Ang nasabing proyekto ay makapagbibigay ng karagdagan trabaho, kabuhayan at negosyo sa mga Filipinos.
Inaasahang masisimulan ang pagtagtayo ng MRT 4 sa ikalawang quarter ng taong 2022. LASACMAR
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]
-
Grupo ng mga guro, suportado ang hakbang ng DepEd na ihinto ang Best Implementers sa “Brigada Eskwela”
MALUGOD na tinanggap ng isang grupo ng mga guro sa buong bansa ang hakbang ng Department of Education na ihinto ang paggawad ng pinakamahusay na Brigada Eskwela implementers para sa school year na ito. Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sinusuportahan nito ang desisyon ng DepEd kasunod ng mga ulat ng […]
-
CHRISTIAN, hiyang-hiya na napaniwala at napa-order sa viral na ‘Pop Star Meal’; umaapela na baka puwedeng totohanin
NAKAKAALIW ang naging experience ni Christian Bables nang patulan niya ang viral na Fan-made Jollibee ‘Pop Star Meal’. Sa kanyang twitter post, “Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa. “Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo […]