P1.4-B Panukalang budget para sa mga ‘biyahe’ ni PBBM sa 2024 , binigyang katwiran ng DBM
- Published on August 4, 2023
- by @peoplesbalita
BINIGYANG katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mahigit sa P1.4 bilyong alokasyon para sa local at foreign missions ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.
Sa press briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Pangandaman ang pagtaas sa budget para sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa susunod na taon.
Sinabi ng Kalihim na wala siyang nakikitang masama at mali sa panukalang P1,408,894,000 para sa mga byahe ng Pangulo lalo pa’t kung ito’y kapaki-pakinabang sa bansa.
“‘Yung travel po ng Presidente, dalawa pong klase ‘yan. Mayroon pong state visit that they invite you and then meron din po ‘yung mga investment roadshow. When I was asked previously po doon sa SONA kung ano po sa tingin ko ang nagawa this administration in such a short time, I think to bring us back to the map of a investment hub and opportunity for other countries,” ayon kay Pangandaman.
“Kami po hindi lang ang Presidente, even the economic managers, if you will notice po, we’ve been going out of the country to present the Philippines as an investment hub po so I think ‘yung expenses po ng travel as long as it will be beneficial and mas may advantage po para sa bansa natin, I think okay lang po ‘yun, it’s justified,” dagdag na wika nito.
Matatandaang, taong 2022, bumiyahe si Pangulong Marcos sa mga bansang Indonesia, Singapore, at China para sa state visits; dumalo sa United Nations General Assembly sa New York; at nagpartisipa sa ASEAN summit sa Cambodia.
Nagpunta rin ang Pangulo sa Thailand noong nakaraang Nobyembre para sa APEC 2022 at sa Brussels, Belgium para sa EU-ASEAN Summit.
Bumiyahe rin ang Chief Executive sa Davos, Switzerland para sa World Economic Forum at nagkaroon ng official visit sa Tokyo, Japan ngayong taon.
Kapalit nito ay nakapagbulsa naman ang Pangulo ng $1.3 bilyong halaga ng investment pledges sa kanyang official visit sa Estados Unidos noong Mayo.
Dumalo rin ang Pangulo sa ASEAN Summit sa Indonesia at state visit sa Malaysia.
Samantala, dinepensahan naman mismo ni Pangulong Marcos ang kanyang byahe sa ibang bansa, sabay sabing makapanghihikayat ito ng mas maraming foreign investors para sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
PBBM, “ON TRACK” para pagaanin ang epekto ng EL NIÑO, naghahanda na sa LA NIÑA phenomenon
PATULOY na ipinatutupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang El Niño mitigation measures bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon, inaasahan na made-develop sa darating na buwan ng Hunyo ngayong taon. “Government agencies will continue to implement the El Niño action plans and of course, later on, transition into […]
-
Security guard na namatay sa Ateneo shooting, pararangalan ng PNP
PARARANGALAN ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na kabilang sa tatlong napatay sa pamamaril sa Ateneo de Manila University. Gagawaran ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Asal or outstanding conduct award si Jeneven Bandiala dahil sa kaniyang katapangan at kabayanihan. Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano […]
-
FIFA inanunsiyo ang bagong bola na gagamitin sa semis at finals matches
KASABAY din ng pagsisimula ng semifinals ay inanunsiyo ng FIFA ang bagong bola na gagamitin para sa semifinals at finals matchs. Ang bola na na tinawag na “Al Hilm” ay siyang official match ball na gagamitin. Ang salitang “Al Hilm” o ang ibig sabihin ay “The Dream” ay siyang papalit sa […]