P1.5 milyon droga, baril nasabat ng CIDG sa buy bust sa Caloocan, 2 tiklo
- Published on July 8, 2022
- by @peoplesbalita
NASA P1.5 milyong halaga ng illegal na droga at baril ang nasamsam ng pulisya sa dalawang lalaki na naaresto sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega, Oplan Big Bertha at Oplan Salikop sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Joseph Bendal, 31 ng Blk 13 Lot 39 Belmont Park. Brgy. Caypondo, Sta Maria, Bulacan at Jess Noriega, 41 ng 130 San Vicente, Macabebe, Pampanga na umano’y sangkot sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at ilegal na droga sa area ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas,Valenzuela).
Dakong alas-5 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern Metro Manila District Field Unit (CIDG-NMMDFU), District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU) at Caloocan City Police ang buy-bust operation laban sa mga suspek na nag-alok ibenta ang kalibre .45 pistola sa halagang P10,000.00 sa 7th Avenue, Brgy. 54.
Nang dumating sa lugar na itinakda ang mga suspek, sakay ng isang kulay itim naHyundai Tucson na may plakang UIT-299, kaagad silang sinalubong ng pulis na nagpanggap na buyer upang i-abot ang markadong salapi kapalit ng ibinebentang kalibre .45 baril.
Nang tanggapin ng pulis ang baril kapalit ang ibinayad na markadong salapi, kaagad nang pinalibutan ng kapulisan ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.
Bukod sa ibinebentang baril, nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 200 gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang plastc ice bag na nagkakahalaga ng P1,360,000.00, 30 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na umaabot sa halagang P168,000.00, buy bust money na isang tunay P1,000 at siyam pirasong P1,000 boodle money, cellular phone, digital weighing scale, dalawang magazine assembly ng kalibre 45 baril at 14 na bala ng naturang kalibre.
Ang mga nadakip ay iprinisinta na sa piskalya ng Caloocan kaugnay sa isasampa sa kanilang mga kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Okay pa rin ang relasyon kahit balitang naghiwalay na: JANELLA, nakikiusap na bigyan muna sila ng privacy ni MARKUS
NAKIKIUSAP si Janella Salvador na bigyan muna sila ng privacy ni Markus Paterson sa gitna ng balitang naghiwalay na sila. Kelan ay nagsalita na si Markus tungkol sa estado ng relasyon nila. Pero pahulaan pa rin kung sila pa rin ba o kung hiwalay na ba sila? Heto ang sinabi ni […]
-
72 NFL players nagpositibo sa coronavirus
Umaabot sa 72 mga US football players ang nagpositibo sa COVID-19. Kinumpirma ito ng National Football League palyer’s union matapos ang isinagawang malawakang pagsusuri sa mga manlalaro. Hindi naman nila binanggit kung ilan sa halos 2,900 na manlalaro ng NFL ang natapos na sumailalim sa pagsusuri. Ang nasabing test results ay lumabas […]
-
Pilipinas, nagdagdag pa ng 7 bansa sa red list dahil sa COVID-19 Omicron variant
PITONG bansa pa ang idinagdag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa travel restrictions hanggang Disyembre 15 dahil sa umusbong na bagong COVID-19 variant Omicron. Ang mga bansang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy ay idinagdag red list. Nauna nang idinagdag sa red list ang mga South African nations kabilang […]