P1.6 B expanded Subic expressway pinasiyanan
- Published on March 15, 2021
- by @peoplesbalita
Nagkaron ng inagurasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corp para sa pagbubukas ng 8.2-kilometer na Subic Freeport Expressway (SFEX) expansion na nagkakahalaga ng P1.6 B.
Ang bagong P1.6 B na expressway project ay patuloy na ginawa kahit na may pandemia ng COVID upang magamit agad at nang magkaron ng mabilis na business activities sa mga karatig na lugar at nang magkaron ng kalakalan at serbisyo sa pagitan ng dalawang economic zones sa Clark at Subic.
Nagkaron ng inaugural ride ang mga Cabinet officials na pinangugunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, DPWH Secretary Mark Villar, DOTr Secretary Arthur Tugade, presidential spokesman Harry Roque, SBMA administrator Wilma Eisma, MPIC president Jose Ma. Lim, MPTC president Rodrigo Franco, at NLEX Corp president at GM J. Luigi Bautista.
Ang nasabing expressway ay magdudugtong sa Bataan, Zambales, Pampanga at sa buong Central Luzon. Inaasahang gagamiting ng 10,000 na motorista ang bagong expressway.
“The administration’s Build Build Build infrastructure program is one of the key drivers that would help our economy get back on track from the adverse effects of the COVID 19 pandemic. Infrastructure investments have a high multiplier effect in the economy, so priority is being given to projects that would create opportunities and propel our country’s growth,” wila ni Medialdea.
Naglaaan ang NLEX ng P1.6 B para sa expansion project na ito upang mas lumaki at dumami ang expressway capacity mula sa single two-way carriageway at maging double carriageway na may dedicated lanes sa bawat direction. Mayron itong kabuohang 16.4 na bagong lane kilometers, 2 bagong tulay sa Jadjad at Argonaut at isang bagong tunnel ang tinayo.
Nilagyan ng NLEX ang mga poste ng international standard LED lights, pinataas ang Maritan Highway-Rizal Highway-Tipo Road junction at nagkaron ng mas magandang drainage system.
Nagkaron ng partial opening noong nakaraang December 28, 2020 upang mabigyan ng serbisyo ang mga motorista noong nagdaang holiday season. Bago magakaron ng partial opening ay nagkaron muna ng sunod-sunod na safety audits upang matiyak na compliant ito sa expressay standards at handa na upang tuluyan ng buksan para sa mga motorista.
Sinabi naman ni Villar na ang bagong project na ito ng NLEX ay upang makatulong na magkaron ng mas magandang mobilisasyon at mapadali ang economic recovery ng bansa. Makakatulong din ito sa logistics at supply chain na mas kailangan ngayon sa mga negosyo.
Ayon naman kay Bautista ay ginawa nilang tuloy-tuloy ang pagtatayo ng expressway kahit na ang daming hamon gawa ng pandemia at ang iba pang health protocols na ipinatutupad. Nabigyan din ng mga trabaho at binigyan suporta ang kabuhayan ng mga tao sa mga nasabing lugar.
“We continued the construction of the new expressway despite the challenges posed by the pandemic and the stringent health protocols. The construction project also provided jobs and supported the livelihood of our people. It was also our way of helping our countrymen manage the economic impact of the health crisis. MPTC and NLEX continue to stand with the government in its commitment to improve the lives of Filipino through infrastructure projects such as this,” saad ni Bautista. (LASACMAR)
-
SHARON, nagpa-reduce ng breast at may pinaayos sa loob ng ilong; ‘Revirginized’ nagtala ng most pre-sold tickets sa ktx.ph
NAGBABALIK ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pinakamainit, pinakamakipot at pinakamasikip na role sa bagong pelikula sa Viva Films, ang Revirginized. Ang direktor ng trending digital movies na Paglaki Ko Gusto kong Maging Pornstar, Tililing at Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na si Darryl Yap ay may bago na namang comedy film […]
-
Boxing at weightlifting tinapyasan sa Olympics
BINAWASAN ng bilang ang dalawang sport – boxing at weightlifting – para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France. Nangangahulugan ang drastikong hakbang ng International Olympic Committee (IOC) ang pagliit ng bilang sa 329 gold medals na lang ang mga paglalaban sa quadrennial sportsfest. Mas mababa na ito ng 10 medalyang ginto […]
-
IATF, Metro Manila mayors nagkasundo na sa MGCQ simula Marso 1 – Palasyo
Inaasahang aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula Marso 1. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang mga Metro Manila mayors ay sumang-ayon na rin rito at kailangan na lamang […]