P10-K special risk allowance para sa private healthcare workers, pasok na sa Bayanihan 2
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
Pasok na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang tax-free P10,000 special risk allowance sa mga private health workers.
Ito ay matapos na magkasundo ang mga miyembro ng bicameral conference committee na pagtibayin ang naturang probisyon na nakapaloob sa bersyon ng Kamara ng Bayanihan 2.
Kabuuang P10.5 billion ang inilalaang pondo para sa iba’t ibang compensations sa mga medical frontliners, kabilang na ang special risk allowance hindi lamang sa mga public healthcare workers (HCWs) kundi maging sa mga private HCWs na gumagamot sa mga COVID-19 patients.
Mababatid na sa Bayanihan to Heal as One Act, na napaso noon pang Hunyo, tanging ang mga public HCWs lamang ang nabibigyan ng benepisyo at hindi iyong mga nagtatrabaho sa mga pribadong ospital.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katumbas na halaga ng pera ang sakripisyo at serbisyo ng mga health workers lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.
Umaasa ang lider ng Kamara na makakatulong ang subsidiya na nakatakdang ibigay ng pamahalaan para mabawasan man lang ang inisiip ng mga HCWs sa linya ng kanilang trabaho.
Bukod sa risk allowance, pinagtibay din ng bicameral conference committee ang probisyon na magbibigay ng P100,000 na compensation para sa mga public at private HCWs na may severe COVID-19 infection.
-
Caloy sabak agad sa ensayo pagbalik sa Japan
ISA hanggang dalawang araw lang ang magiging break ni two-time world gymnast champion Caloy Yulo para paghandaan ang mga lalahukan pang international competitions ngayong taon. Isa sa mga ito ay ang Asian Gymnastics Championships sa Hunyo 15-18 sa Doha, Qatar na magsisilbing qualifying tournament para sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa […]
-
Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’, pinalaki sa 335K benepisaryo
WELCOME kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas pinalaking “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) sa Santa Cruz, Laguna kung saan naghahandog ng serbisyo ang gobyerno. Sinabi ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., tumayong kinatawan ni Pangulong Marcos, layon ng BPSF na makapagbigay ng mabilis at maayos na serbisyo […]
-
Pagsusuot ng facemask muling hinikayat dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong Omicron subvariant ng COVID-19
HINIMOK ng World Health Organization na dapat isaalang-alang ng mga bansa ang pagrekomenda na magsuot ng facemask ang mga pasahero sa mga long-haul na flight, dahil sa mabilis na pagkalat ng pinakabagong Omicron subvariant ng COVID-19 sa United States. Sa isang pahayag ng World Health Organization, sa Europe, ang XBB.1.5 subvariant ay nakitang […]