P10-M, inisyal na pinsala sa agri sa Bicol- DRRM ng DA
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa P10 milyong halaga ng inisyal na pinsala sa agrikultura sa Bicol region ang naitala ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center dahil sa Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).
“Based on the initial assessment of the DA Regional Field Office in Bicol Region, damage and losses have been reported in rice and corn amounting to PHP9.75 million affecting 234 farmers,” ang nakasaad sa kalatas ng DA-DRRM.
Tinatayang, mayroon namang 598 metric tons (MT) sa 209 ektarya ng rice at corn plantation ang naiulat na napinsala, pagkawala sa rice production na 203 MT na nagkakahalaga ng P9.6 milyon sa Camarines Norte.
Samantala, sa sektor ng mais, 7.50 MT ang nawala sa Camarines Sur na nagkakahalaga ng P167,000.
Tiniyak naman ng DA na mamamagitan ito sa mga apektadong magsasaka kabilang na ang pamamahagi ng agricultural inputs para sa bigas, mais at high-value crops kabilang ang ‘seedlings, drugs, at biologics; PHP25,000 loanable na halaga para sa kada magsasaka na puwedeng bayaran sa loob ng tatlong taon na may zero interest; at indemnification ng insured farmers sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Industry (PCIC).
-
Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey
Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa. Nanguna si Marcos […]
-
Gov’t workers group humirit ng P21,000 monthly minimum wage
NANAWAGAN ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers. Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa. Sa isang statement ay nanawagan ang […]
-
LATEST PHOTOS THAT ARE MUST-SEE SCENES IN CINEMAS IN CHRISTOPHER NOLAN’S MOST AMBITIOUS FILM TO-DATE “OPPENHEIMER” (PART 2)
UNIVERSAL Pictures has just released the latest photos of Christopher Nolan’s latest epic film “Oppenheimer” that will open in cinemas (PH) nationwide on July 19. The photos are so stunning that one can’t help but get excited on how it will finally roll in cinemas! But first let’s meet the characters of “Oppenheimer” played […]