P100 milyong piso, ilalaan ng DA-BFAR para palakasin ang produksyon ng asin
- Published on September 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAGLALAAN ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng P100 milyong piso para palakasin ang produksyon ng asin sa bansa.
“Para sa taong 2022 isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paglalaan ng pondo sa halagang P100 million,” ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera.
“Ilalaan po ito para mas mapalawak ‘yung industriya ng asin sa ating bansa at masiguro ang tuloy tuloy at sapat na supply po nito,” dagdag na pahayag ni Briguera.
Gagamitin din ang nasabing halaga para palakasin ang kapasidad o kakayahan ng salt makers sa bansa.
“Within 2022 maisakatuparan ang mga mekanismo sa ilalim ng pondong ito upang matulungan ang salt industry,” ani Briguera.
Nauna rito, isiniwalat ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa.
Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mangunguna sa usaping ito kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno.
Ang plano ayon kay Cruz-Angeles ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ang DA ay magi-implementa ng mga programa at inisyatiba para palakasin ang salt production at supply; pangungunahan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang iba’t ibang “research and development initiatives” sa salt production at tulungan ang marginal at artisanal salt makers; pagsasakatuparan ng Development of the Salt Industry Project (DSIP) para sa salt makers sa Regions 1, 6 at 9; palalawigin ng DA ang salt production areas at isusulong ang “development of technologies to accelerate salt production” ; at ang gagawing pakikipagtulungan ng DA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), and Department of Trade and Industry (DTI) para i-develop ng husto ang local salt industry sa ilalim ng Republic Act 8172, o Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).”
Itinaas naman ng DTI ang presyo ng asin makaraan ang ilang taon na hindi nababago ang presyo nito.
Sa katunayan, inaprubahan nito ang pagtaas sa presyo ng iodized rock salt sa P21.75 para sa 500 grams at P23.00 para sa one kilogram.
“When it comes to iodized salt, the suggested retail price for a 100-gram pack is set at P4.50, while the price for a 250-gram pack ranges from P9.00 to P11.75 and P16.00 to P21.25 for a 500-gram pack. One kilogram of salt is priced at P29.00,” ayon sa DTI.
Sa gitna ng pagtaas, pinanindigan naman ng DTI na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng asin sa bansa.
Samantala, magsasagawa naman ng beripikasyon ang BFAR sa napa-ulat na higit 90% ng asin sa bansa ay imported.
Ito ang inihayag sa Laging Handa ni BFAR Chief Information Officer, Nazzer Briguerra matapos na lumutang ang nasabing ulat na aniya’y galing mula sa pribadong sektor.
Aniya, napag-alaman nilang walang ganitong datos ang Philippine Statistics Authority o PSA subalit dapat pa ring masilip ang lumabas na impormasyon lalo’t Department of Agriculture na aniya ang nagsabing kailangang matutukan ang sektor na nasa pag-aasin.
Nakita ani Briguerra ng DA na kailangan nang matutukan ito ng ahensiya sa gitna ng paninigurong maging self sufficient ang bansa sa asin ng hindi aasa sa ibang bansa.
Aniya pa, kung mapapaunlad ang salt industry sa bansa, hindi lang aniya ito lilikha ng mas maraming trabaho na ang ibig sabihin ay mas aangat ang kabuhayan ng mga nasa linya ng industriya ng asin. (Daris Jose)
-
Pinas nakapagtatala ng 55 kaso ng HIV kada araw-Sec Herbosa
TUMAAS ang bilang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas. Sa katunayan, nakapagtatala ang departamento ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw. ”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 […]
-
Susuportahan ni ex-Pres. Duterte ‘pag nag-senador… Update sa ‘Vagabond 2’ ni LEE SEUNG GI, inaabangan mula kay Manong CHAVIT
ANO na kaya ang latest update sa sequel ng ‘Vagabond’, ang action thriller K-drama na pinagbidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi na pinalabas noong September 20 hanggang November 23, 2019? Naibalita last April na ang ‘Vagabond Season 2’ ay nakatakdang mag-shoot sa bansa natin, na kung saan sinasabing muling […]
-
Ads August 12, 2024