P102-B rehab ng NAIA, tengga sa mga isyu
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
Naaantala ang P102 billion na proposal ng consortium ng pitong conglomerates upang sumailalim sa rehabilitation ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kailangan munang bigyan pansin ang mga issues na nauukol dito.
Sa isang panayam kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kanyang sinabi na may dalawang issues ang hindi pa nareresolba ng consortium kahit na sila ay nag-submit na ng revised concession agreement.
“These include the fate of employees of the Manila International Airport Authority (MIAA) and the “people mover” system to link the passenger terminals. But based on the review of MIAA, it was stated that their commitment is only 180 days. That is not part of what we talked about because they won’t lose their jobs as long as you want to be absorbed,” wika ni DOTr undersecretary Ruben Reinoso.
Nagpayahag naman ng reservations si Reinoso tungkol sa plano ng consortium na maglagay ng bus rapid system dahil inaalala nila ang safety at security concerns sa Tarmac.
Kaya kailangan magbigay ng clarifications sa pamahalaan ang consortium tungkol sa mga issues lalo na sa primary grantor na MIAA.
“I want all the remaining issues resolved before the end of next month in order for the Swiss challenge process to finally start,” wika naman ni Tugade.
Kung kaya’t sinabi ni Reinoso na si presidential adviser for flagship programs and projects Vince Dizon na siyang leading government’s negotiator, ay magpapatawag ng pagpupulong sa mga darating na linggo upang maresolba ang issues. Sa issue naman ng real property tax (RPT), sinabi ni Reinoso na ang consortium ay pumayag na ang halaga nito ay hindi ibabawas mula sa bayad para sa pamahalaan.
Ayon naman kay Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) president at chief executive officer Jose Ma. Lim, ang RPT ay magkakaroon ng malaking impact sa inaasahang returns ng investments ng consortium para sa malawakang rehabilitation ng NAIA.
Samantala, kapag nagkasundo na sa mga terms at conditions para sa rehabilitation project, ang MIAA ay magsu-submit ng resulta ng negotiations sa National Economic Development Authority (NEDA) board at ang negotiated draft concession agreement namansa Office of the Solicitor General at Department of Finance para sa kanilang comments na gagawin sa loob ng 10 araw mula sa receipt ng draft concession agreement.
Noong nakaraang Nobyembre pa nakakuha ng NEDA board approval ang consortium na pinamumunuan ni President Rodrigo R. Duterte. (LASACMAR)
-
Devon, inili-link na ngayon sa kanya… DAVID, naka-focus sa career kaya single pa rin hanggang ngayon
SA usapang “mana”, lahat ay nakikinig. At tulad ng pagka-hook sa newest romantic-comedy on TV, ang ‘GoodWill’, na napapanood sa NET25 every Sunday at 4 pm right before the show ‘Korina Interviews’. Eto ang latest sa inaabangan every weekend. Sa Episode 6 ng ‘GoodWill’, si Lloyd Patawad (David Chua), […]
-
Pinas, ipinaabot ang imbitasyon sa Japan na sumali sa Balikatan 2025
IPINAABOT ng Pilipinas ang imbitasyon nito sa Japan na magpartisipa sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng mga military ng Pilipinas at Estados Unidos. Sinabi ni Col Michael Logico, tagapagsalita para sa 2024 Balikatan Exercises, na nagpahayag ng interest ang Japan na sumali sa annual joint exercises mula pa […]
-
Ads February 2, 2022