• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P102 milyon ng ‘shabu tea’ nasamsam sa Cavite

TUMATAGINTING na P102 milyon halaga ng shabu ang nasabat at pagkakaaresto sa tinaguriang Drug Lord at distributor ng droga sa buong Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon (CALABARZON) , National Capital Region (NCR at Mindanao) at 2 iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.

 

Kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 at Section 11, Article II ng RA 9165 ang isinampa laban sa mga naarestong suspek na sina Ronnie Mordiquio Menodiado, 38, alias Boy, tinaguriang Drug Lord sa Cavite area, NCR at Mindanao at residente ng 121-A Estrella St., Pasay City; Victorio Vida Najera, 35 ng 1719 Cuyegking St., Pasay City at Annnie Rose Torres Lingua alias Ate, 30 ng Dalipuga, Kalubihon, Iligan City

 

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA)-Cavite, dakong ala-1:00 ng hapon Huwebes nang magsagawa ng buy bust operation na tinawang na COPLAN-“Magellan” ang pinag-samang pwersa ng PDEA IVA, PDEA RO-NCR, PDEA RO IX at pakikipag-koordinasyon sa Bacoor City Police Station sa Molino Blvd corner Aguinaldo Highway, Talaba 4, ng naturang Lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo.

 

Narekober sa kanila ang 15 open green foil packs na Guanyinwang (Chinese Tea bag) na naglalaman ng hinihinalang shabu o tinatayang 15 gramo na may street value na P102 milyon; na pinaghihinalaan ng mga pulis na galing sa Golden Triad, buy bust money; isang unit na Vivo cellphone at isang motorsiklong Honda Jazz na may plakang VEM 956.

 

Sa isinagawang raid lumutang ang bagong modus sa bentahan ng droga kung saan ipaparada ng pusher ang kanyang sasakyan sa isang lugar at iiwan ang pera doon.

 

Darating naman ang supplier dala ang shabu at may duplicate na susi ng kotse. Iiwan niya ang droga sa loob ng sasakyan at kukunin ang pera.

 

Pagbalik naman ng pusher ay tangay na nito ang shabu.

 

Posible rin umanong nagbe-benta ng droga sa mga paaralan ang suspek dahil nakita ang sasakyan na nakaparada malapit dito.

 

Ayon sa PDEA, maituturing na drug Lord si Menodiado dahil siya ang pinaggagalingan ng droga at marami itong tauhan at mga distributor.

 

Ang tatlo ay pawang nakakulong sa PDEA-Cavite Custodial Center. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ateneo center 6’10” Angelo Kouame, isa ng Filipino citizen

    Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill na siyang hudyat upang magawaran ng Filipino citizenship ang Ateneo de Manila center na si Angelo Kouame.     Ang 23-anyos at 6-foot-10, 220 lbs na si Kouame ay nagmula sa Ivory Coast at naging bahagi sa dalawa sa three-peat achievement ng Ateneo.     ng […]

  • Puntirya ni VP Sara: 100% ng mga kabataang Pinoy, nag-aaral

    NANAWAGAN  si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga magulang at local government units (LGUs) na tiyakin na 100% ng mga kabataang filipino ay nag-aaral.     “Dapat po meron tayong target na paniguraduhin na 100% sa ating mga kabataan ay nag-aaral,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa pagdiriwang ng […]

  • POLO, kitang-kita ang excitement sa mga mata ang pagiging isang ama kay Baby YATRICK PAUL

    KAHIT puyat, makikita pa rin ang excitement sa mga mata ni Polo Ravales ang pagiging isang ama sa kanyang baby boy na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg.      Nag-share sa social media si Polo ng first family photo nila ng kanyang fiancee na si Paulyn at ng kanilang baby boy na isinilang noong nakaraang […]