• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P103K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM, 27 PANG TULAK, BINITBIT SA BUY BUST SA CAVITE

TINATAYANG P103K halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang tulak habang dalawampu’t-pito na iba ang binitbit sa isinagawang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite .

 

 

Kinilala ang mga naaresto na sina Emily Valerio y Santos, dalaga, 62  ng 1st St. Sto. Niño, Niog 3, Bacoor City, Cavite (target ng operasyon);  Ramoncito Rabales y De Guzman, 47, tricycle driver ng  04A Brgy Niog 3, Bacoor City, Cavite at  Ronnie Reformado y Paguera, 53, tricycle driver ng  0079 Celestino st., Brgy Niog 2, Bacoor City, Cavite.

 

 

Sa ulat ng Bacoor City Police, dakong alas-3:00 Martes ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ang pinagsamang puwersa ng PDEA IV-A Cavite PO, Bacoor Cps at  CAVITE PDEU sa bahay ni Valerio sa1st St. Sto Niño, Niog 3, Bacoor City, Cavite kung saan siya ang target.

 

 

Pero nabulaga ang awtoridad nang nadiskure na ang nasabing lugar ay ginagawang drug den at ginagawang pot session na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa pang hinihinalang tulak.

 

 

Nakuha sa lugar ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P103,000.00, dalawang pirasong aluminum foil na ginagamit na improvised tooter, dalawang aluminum foil na ginagamit na improvised needle, lighter, cellular phone at buy bust money.

 

 

Kasong paglabag sa Secs. 5, 6, 7, 11 12 at  15, Art. II ng  RA 9165 ang kinakaharap ng tatlo.

 

 

Samantala, dalawampu’t-pito na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite police  sa isinagawang magkakahiwalay na buy bust operation sa limang Lungsod at apat na bayan sa pagitan ng alas-6:00 kamakalawa ng umaga hanggang ala-1:40 ng madaling araw.

 

 

Nanguna ang Dasmarinas City sa may pinakamataas na bilang ng naarestong tulak na pito, habang anim sa Bacoor City, apat sa Kawit, tatlo sa Cavite City, tig-dalawa sa Imus at Naic habang tig-isa sa Rosario, General Mariano Alvarez (GMA) at Gen Trias City. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño

    IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan.     Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall […]

  • Di man nagwagi sa 80th Golden Globes Awards: DOLLY, nairampa ang gown na gawa ng local designer sa red carpet

    HINDI napigilan ang SPARKADA na si Vince Maristela na ipakita ang six-pack abs niya sa mediacon ng bagong GMA primetime series na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’     Si Vince nga ang tinatawag na hunk ng SPARKADA dahil sa alagang-alaga ang katawan nito sa workout at diet.     Binuking nga ng ka-partner […]

  • OCTA: NCR ‘low risk’ na sa COVID-19

    Mula sa ‘very low risk’ ay tumaas sa ‘low risk’ ang klasipikasyon ng National Capital Region (NCR) sa COVID-19.     Sa pinakahuling update ng OCTA Research Group na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang 7-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR ay tumaas sa 116 […]