• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10K bonus sa Quezon City hall employees, aprub ni Mayor Joy

INAASAHANG makakatanggap ang mga em­pleyado ng Quezon City Hall ng tig-P10,000 bonus bilang pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa “sound financial management” re­cognition na natanggap ng pamahalaang lungsod sa ikalawang sunod na taon.

 

 

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-anunsiyo hinggil sa pagkakaloob ng bonus sa mga city hall employees sa ginanap na Inter-department Dance Competition sa Quezon Memorial Circle nitong Sabado ng gabi.

 

 

Una nang inaprubahan ni Belmonte ang Ordinance No. SP-3138, S-2022, na nagkakaloob ng insentibo sa mga QC Hall emplo­yees, kabilang yaong may contracts of service, job orders at consultancy contracts.

 

 

“Ang bonus na ito ay pagkilala ng ating pamahalaang lungsod at ng ­ating Quezon City Council, sa pamumuno ni presi­ding officer at Vice Mayor Gian Sotto, sa sipag ng ating mga tauhan na nakatulong para makuha natin ang mga karangalan mula sa Commission on Audit (COA),” ayon kay Belmonte.

 

 

“Malaking tulong ang ha­lagang ito sa ating mga empleyado bilang pandagdag gastos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya, lalo ngayong tumataas ang halaga ng ilang pangunahing bilihin,” dagdag pa niya.

 

 

Inatasan na ni Belmonte ang City Budget Officer na ­ilabas na ang kinakailangang pondo para sa naturang insentibo.

 

 

Nabatid na inaprubahan ng Quezon City Council ang naturang ordinansa matapos na umani ang city government ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit para sa mga taong 2020 at 2021.

 

 

Ang ‘unqualified opinion’ ay ang pinakamataas na audit opinion na maaaring ibigay ng COA sa isang ahensiya ng gobyerno. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • POKWANG, Kapuso artist na rin after lumipat sa Kapatid network; ano kaya ang magiging project?

    ANO kaya ang programang ibibigay ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist na si Pokwang?     After lumipat sa Kapatid network ay official Kapuso artist na ang komedyana matapos na ito ay pumirma sa GMA 7.     Siya ang latest sa mga dating Kapamilya talents na lumipat ng tahanan at tinanggap bilang mga […]

  • Lakers umaasang babalik na sa game si Davis bagong matapos ang buwan ng Enero

    UMAASA naman ang Los Angeles Lakers na makakabalik na rin sa team ang kanilang big man na si Anthony Davis bago matapos ang buwang ito dahil sa injury sa kanyang kaliwang paa.     Sa susunod na linggo ay muling sasailalim sa evaluation ng mga doktor.     Sa ngayon umaabot na sa 12 games […]

  • Google, YouTube hinto muna sa pol ads

    Pansamantalang ihihinto ng internet giant Google kasama ang sikat na platform na YouTube ang pagtanggap ng mga political ads pagsapit ng ‘campaign period’ sa 2022.     Sa pahayag ng ­Google, epektibo ito sa mga election ads na binayaran sa Google Ads, Display, Video 360.     Maging sa mga shopping platforms na pino-promote naman […]