P11.6B na performance-based bonus para sa 900K school workers, inilabas – DBM
- Published on September 15, 2023
- by @peoplesbalita
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11 billion para sa budgetary requirement para sa performance-based bonus (PBB) ng mahigit sa 900,000 personnel sa iba’t ibang public elementary at secondary schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ng DBM na may kabuuang P11.6 billion ang ipinalabas para sa Fiscal Year 2021 PBB ng 920,073 school-based workers.
Ang basehan ng pagkakaloob ng FY 2021 PBB ay ang naging accomplishments ng DepEd para sa FY 2021,
“The Final Evaluation Assessment for the DepEd was released by the Administrative Order No. 25 Inter-Agency Task Force in January 2023, while the necessary documents for the purpose were submitted by the DepEd to the DBM from April to August 2023,” ayon sa Budget Department.
“This could be attributed to the strikingly high number of eligible personnel at around 900,000 employees in the DepEd, and the voluminous documents being submitted for the purpose,” dagdag na pahayag ng departamento sabay sabing ang ebalwasyon ng mga dokumento ay “was facilitated and processed by the DBM immediately after.”
“The DBM stands with our nation’s educators and recognizes their extraordinary work. We are one with our teachers in the pursuit of the immediate release of their PBB,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Tinukoy ang mga records, sinabi ng DBM na “as of September 1, 2023,” ang lahat ng 16 Regional Offices (ROs) ng Budget Department ay nagpalabas na ng kanilang katumbas o katugon na Special Allotment Release Orders (SAROs) at Notice of Cash Allocations (NCAs) sa DepEd para sa FY 2021 PBB ng school-based personnel.
“The SAROs/NCAs have been issued after the DBM’s evaluation and validation of the required updated documents, which DepEd submitted from April to August 2023,” ayon sa DBM.
Samantala, ang documentary requirements para sa FY 2021 PBB ng non-teaching personnel sa ilalim ng Schools Division Offices sa walong ROs —National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Regions III, IV-A, VIII, XI, XII, at XIII— ay ibinalik ng DBM sa DepEd para sa revalidation/revision.
“The documents were sent back due to varying concerns, such as duplicate entries, incorrect information on the months of service, and certain personnel not found in the DepEd’s Personnel Services Itemization and Plantilla of Personnel, among others,” ayon sa DBM.
“Once received, revalidated, and approved by DBM, the documents will be endorsed to DBM ROs for processing of the SARO and NCA,” lahad pa rin ng departamento. (Daris Jose)
-
Experience the thrill of “Aquaman and the Lost Kingdom” in IMAX, 4DX, and Uptown Tempur Cinemas till January 7
AQUAMAN fans, get ready for an underwater adventure like no other! The much-anticipated sequel, “Aquaman and the Lost Kingdom,” starring the charismatic Jason Momoa, continues to make waves in cinemas. This holiday season, from December 25 to January 7, immerse yourself in the stunning visuals and gripping storyline in IMAX theaters, 4DX, and the luxurious […]
-
Cone nagpasalamat sa Ginebra fans
NAGPASALAMAT si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa solidong suporta ng fans na hindi bumitiw sa bawat laban ng Gin Kings. Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings para makapasok sa best-of-seven semifinal series ng PBA Governors’ Cup. Nakuha ng Ginebra ang Game 2 laban sa Meralco nang kubrahin […]
-
Cash grant sa 4Ps, balak itaas – DSWD
PINAG-AARALAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na maitaas ang halaga ng tulong pinansiyal na naipagkakaloob sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa mataas na halaga ng bilihin. Ayon sa DSWD, simula nang maging batas ang 4Ps noong taong 2019 ay hindi na nabago ang […]