P11 BILYON HALAGA NG ILLEGAL DRUGS TINURN OVER NG NBI SA PDEA
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT sa halagang P21 bilyong ilegal na droga ang itinurn over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay NBI OIC-Director ERIC B. DISTOR ang nasabing hakbang ay alinsunod sa kautusan ng Regional Trial Court sa ilalim ng Fourth Judicial Region ng Infanta, Quezon.
Sa nasabing kautusan, ang NBI sa pamamagitan ng kanilang Forensic Chemistry Division (FCD) na may kustodiya ng mga ilegal na droga ay nagturn over sa PDEA noong April 11 at 26, 2022, ng kabuuang timbang na 1,855.0 kilograms ng ilegal na droga.
Sinabi ni Distor na noong Marso 15, 2022, nasabat ng mga pinagsamang operatiba ng NBI sa pangunguna ng Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) ang mahigit isang (1) tonelada ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng P11 Bilyon sa Barangay Comon, Infanta, Quezon.
Binigyang-diin ni DISTOR na bukod sa mga operatiba ng TFAID, kasama sa operasyon ang mga ahente ng NBI-Research and Analysis Division (RAD) at Lucena District Office (LUCDO), sa pakikipag-ugnayan sa PNP Infanta, Quezon at PDEA Lucena.
Ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkakaaresto sa sampung (10) mga salarin habang nasa akto ang pagbibiyahe ng mga hinihinalang iligal na droga sakay ng tatlong (3) commuter van.
Iginiit ni Distor na kasunod ng pagkakasamsam ng iligal na droga, ang 10 naarestong Subject ay iniharap para sa Inquest proceedings sa Office of the Prosecutor of Infanta, Quezon para sa Paglabag sa RA 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (GENE ADSUARA )
-
Ads August 24, 2021
-
COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas
LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group. Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test. […]
-
TRO hinain ng PISTON sa SC
NOONG nakaraang Miyerkules ay naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang grupong PISTON upang humingi ng temporary restraining order (TRO) laban sa consolidation ng prangkisa na siyang kailangan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Sa kanilang petisyon ay kanilang sinabi na ang mandatory consolidation ay isang […]