• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P120 MILYON POULTRY, SEAFOODS PRODUCT, NASABAT NG BOC

AABOT na P120 milyong halaga ng poultry,seafood products  ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa serye ng isinagawang pagsalakay sa pitong bodega sa Navotas City kamakailan.

 

 

Katuwang ng BOC SA pagsalakay ang  Investigation Service at the Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service (NMIS), at  Philippine Coast Guard (PCG) nang salakayin ang mga bodega bitbit ang Letters of Authority (LOAs) na pirmado ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

 

 

Natuklasan sa pag-inspeksyon sa mga bodega ang iba’t ibang  poultry products, gaya ng frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, abalone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pompano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.

 

 

Karamihan sa frozen seafood ay mula China , mayroon ding beef mula  beef mula Brazil at Australia, pork mula United States,at pork ears naman mula Russia.

 

 

Natuklasan din ng team ang warehouse na walang laman na maaaring gawing cold storage facility. GENE ADSUARA

Other News
  • Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita

    GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016.     Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang […]

  • Ads April 20, 2022

  • Pope Francis, 2-araw nang may sakit

    KINANSELA ni Pope Francis ang lakad niya noong Pebrero 28 dahil sa masama umano ang kanyang pakiramdam.   Ayon sa The Vatican, may ubo at sipon ang 83-anyos na Santo Papa.   Noong Huwebes, Pebrero 27 ay hindi rin natuloy ang kanyang misa kasama ang mga pari sa Roma.   Ang pagkakasakit ni Pope Francis […]