• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P120K damo, nasabat sa 2 drug suspects sa Caloocan

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P120K halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang naarestong mga suspek na si alyas “Lubay”, 24, at alyas “Jen”, 25, kapwa residente ng Bulacan.

 

 

Ayon kay Col. Doles, dakong ala-1:25 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Sampaguita Street, Libis Camarin Barangay 175, matapos umanong bintahan ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani P/Lt. Restie Mables na nanguna sa operation, nakumpiska nila sa mga suspek ang 1001 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,120.00, buy bust money na isang P500 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money at isang motorsiklo na gamit nila.

 

 

Sinabi ni Lt. Mables na bago ang pagkakaaresto sa mga suspek, nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y sa pagbebenta ng mga suspek ng marijuana kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang Caloocan Police sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown

    Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon.     […]

  • PBBM, namahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Maynila

    BILANG  bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan  na makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas sa bawat filipino, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng parte  ng nakumpiskang  smuggled rice sa 1,000 residente sa San Andres, Manila, araw ng Martes.     “Bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa pagsugpo ng smuggling – […]

  • COVID increase projection dahil sa nagdaang eleksyon, ngayong linggo inaasahan- Dr . Solante

    INAASAHANG ngayong linggong ang simula ng projection na ginawa ng mga eksperto patungkol sa posibleng pagsipa ng kaso ng COVID 19.     Sinasabing, ito na kasi ang ikalawang linggo o eksaktong 14 na araw makaraang idaos ang national elections kung saan ay nagsipagdagsaan ang may higit 60 na milyong mga botante sa iba’t ibang […]