• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P15 minimum pasahe sa jeep namumuro

DULOT  nang patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aksyunan ang hirit ng mga drayber at operator ng jeep na itaas sa P15 ang minimum na pasahe sa jeep.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na susuriin itong mabuti dahil batid ng kanilang hanay ang hamon na kinakaharap ng mga drayber at operator dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin.
“The LTFRB is reviewing the petition thoroughly and will consider all relevant factors, including fuel price trends, inflation rates, and the overall economic impact on the riding public,” ayon kay Guadiz.
Gayunman, sinabi nito na sinusuri rin ng LTFRB ang magiging epekto ng pagtaas ng pasahe sa mga commuters.
“We assure all stakeholders that the board will conduct public hearings and consultations to ensure transparency and inclusivity in the decision-making process,” dagdag ni Guadiz.
Tiniyak din ng LTFRB na magiging patas sa magkabilang panig ang gagawing desisyon hinggil dito.
Sa kasalukuyan, nasa P13 ang minimum na pasahe sa jeep. (Daris Jose)
Other News
  • Bautista out, Dizon in bilang Kalihim ng DOTr- Bersamin

    KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Vivencio “Vince” Bringas Dizon na ang susunod na Kalihim ng Department of Transportation, epektibo Pebrero 21, 2025.     Papalitan ni Dizon, isang ekonomista at consultant na nagsilbi noon bilang pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) si outgoing Sec. Jaime Bautista na nagbitiw sa tungkulin dahil […]

  • Matapos hangaan at manalo sa ‘Firefly’: EUWENN, bibida naman sa teleseryeng ‘Forever Young’

    BIDA na sa kanyang sariling teleserye ang 2023 MMFF Best Child Performer na si Euwenn Mikaell na ang titulo ay ‘Forever Young’.     Noong Lunes (February 5), nagkita-kita na ang cast ng ‘Forever Young” sa naganap nitong story conference at script reading. Kabilang sa cast sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred […]

  • Pamilya Paalam, todo dasal sa pagsabak ni Carlo para sa gintong medalya sa Tokyo Olympics

    Naghahanda na ang pamilya ni Filipino boxer Carlo Paalam na pasok na finals matapos talunin ang kanyang kalaban na si Japanese Ryomie Tanaka sa Men’s Flyweight Division.     Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Pio Rio Paalam Sr. na nagdarasal ang kanilang buong pamilya sa laban ng anak na si […]