• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P150K shabu nasamsam sa Malabon drug bust, 4 timbog

MAHIGIT P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.
Ayon kay Malabon chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa C-4 Road, Brgy. Tañong, sina alyas Cristy, 47, at alyas Tony, 56.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12.5 grams ng hinihinalang shabu standard drug price value na P85,000.00 at buy bust money.
Bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa kanto ng Gen Luna at Celia 1 Street, Brgy. Bayan Bayanan, sina alyas Anjho at alyas Ross.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 10.0 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P68,000.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • Ads May 5, 2022

  • PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Pampanga

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno para sa mga residente ng Pampanga na apektado ng kamakailan lamang na kalamidad.     Tiniyak ng Pangulo sa mga  sa mga ito ang patuloy na suporta ng pamahalaan.     Kabilang sa mga ahensiya na nagpaabot ng tulong […]

  • Ads June 2, 2021