P154 B railway project bukas sa PPP
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP).
“The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue their plans,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez.
Ayon kay Chavez wala pa naman approval ang National Economic and Development Authority (NEDA) para sa nasabing 2 proyekto sa rail.
“These projects are unsolicited proposals so we have two PPPs already. Of course, we have so many in the pipeline,” dagdag ni Chavez
Ang proyekto sa East-West railway ay nagkakahalaga ng P72.08 billion kung saan kasama dito ang financing, design, construction, operation at maintenance ng elevated railway na may habang 9.4 kilometro.
Ito ay magdudugtong sa Diliman, Quezon City papuntang Lerma sa Manila at magsisibling interconnecting facilities sa iba pang railways tulad ng MRT 3, LRT 2 at LRT1.
Ang proponents sa nasabing proyekto ay ang East-West Rail Corp at AlloyMTD na siya naman ipatutupad ng Philippine National Railways (PNR).
Habang ang MRT-11 ay nagkakahalaga naman ng P81.79 billion kung saan gagawin ang 18 kilometrong railway mula sa Balintawak, Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.
Ayon sa proposal, ang nasabing railway ay magkakaron ng passenger transfer facility malapit sa estasyon ng Balintawak ng LRT Line 1.
Ang proponents naman ng nasabing railway project ay ang Aerorail Integrated Transport Services Inc. at ang supervision ay sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).
Nakikitang ang railway project na ito ay makakatulong upang gumanda ang transport system sa northern Metro Manila tulad ng lugar sa Quezon City, Caloocan at Bulacan.
“The Marcos administration prefers that its infrastructure projects be funded by PPP to reduce borrowings in a bid to cut national debt,” saad ni Chavez. LASACMAR
-
P1.3B halaga ng tulong para sa 90-day Mayon response; mga bakwit, nagkasakit-OCD
MAHIGIT sa P1.3 bilyong halaga ng relief assistance ang inihanda na ng national government para tugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng 90 araw. Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, mayroong “constant communication” ang mga concerned national government agencies […]
-
Paris Olympics: South Sudan basketball team, sasabak sa laban kontra NBA superstars
MULING maghaharap ang Team USA at Team South Sudan sa ilalim ng preliminary elimination sa Paris Olympics 2024. Maaalalang nagkaharap ang dalawa sa exhibition games bago ang opisyal na pagsisimula ng Olympics kung saan naging pahirapan para sa US na ipanalo ang laban dahil na rin sa magandang depensa at […]
-
Legendary golfer Kathy Withworth pumanaw na 83
Pumanaw na ang legendary golfer na si Kathy Whitworth sa edad 83. Kinumpirma ito ng Ladies Professional Golf Association ng US ang pagpanaw ng award-winning golfer. Ayon sa LPGA na bigla na la mang itong nalagutan ng hininga haban nagdiriwang ng kapaskuhan. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye […]