• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2.3 bilyong pondo ng OVP sa 2023, aprub sa Senado

MABILIS na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P2.3 bilyon na panukalang budget ng Office of the President (OVP) para sa taong 2023.

 

 

Personal na humarap sa komite si Vice President Sara Duterte na mainit ding tinanggap ng mga senador sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

 

 

Sa pagsisimula pa lamang ng budget hearing, agad na hiniling ni Zubiri sa mga kapwa senador na agad aprubahan ang budget ng OVP bilang kurtesiya na katulad ng ibinigay ng Senado sa mga dating bise-presidente.

 

 

Bukod dito, tama rin lang umano ang hinihinging budget ni Duterte para sa ikabubuti ng taumbayan.

 

 

Para naman kay Sen. Sonny Angara, chairman ng komite na tradisyon na mabilis na inaaprubahan ang budget ng OVP bilang respeto sa tanggapan at hindi lang dahil sa ang nakaupo ay si Duterte na masipag, brilliant at maraming programa.

 

 

Hindi na inusisa pa ng mga administration senators ang panukalang budget ng OVP para mabilis ang talakayan at kaagad din na nagmosyon si Sen. Bong Revilla na aprubahan na agad ito.

 

 

Isa umano sa proyekto ng OVP ay sa pagtukoy ng permanenteng tahanan para sa vice-president na nilalaanan na nila ng inisyal na P10 milyon kung saan kausap nila ang GSIS at isa sa minamataan nila ay ang Coconut Palace. (Daris Jose)

Other News
  • Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards

    KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award.     Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya.     Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap […]

  • Pagkatapos ng ‘Here Lies Love’ sa Broadway: LEA, kasama sa opening ng ‘Sondheim’s Old Friends’ sa London

    MAY bagong pinagkakaabalahan na musical si Lea Salonga pagkatapos ng Here Lies Love on Broadway.       Kasama ang Tony Award-winning Filipino international star sa opening ng “Sondheim’s Old Friends” in London.       Pinost ni Lea via social media ang kanyang excitement na bahagi siya ng show na tatakbo for 16-weeks.   […]

  • 83 milyong pa lang ng SIM cards ang narerehistro

    INIULAT ng National Telecommunications Commission (NTC) na umaabot pa lamang sa halos 83 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa ilalim ng SIM Card Registration Act.     Ito ay ilang araw na lamang bago ang deadline ng rehistro sa Abril 26, 2023.     Hanggang nitong Abril 23, 2023, nasa 82,845,397 na […]