P2.4-B na ang refund sa mga nakanselang flights – Cebu Pacific
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Cebu Pacific Air na umaabot na sa P2.4 billion ang kanilang naibibigay na refund sa mga pasahero mula nang ipatupad ang mga kanselasyon ng biyahe dulot ng COVID crisis.
Ang naturang halaga ay 50% umano ng mga natanggap na refund request.
Sa ngayon meron pa silang nakabinbin na mga kahilingan na inaasikaso na rin.
Sa dami umano ng mga request mula noong buwan ng Abril, nagkaroon tuloy na mga backlog.
Nagpaliwanag pa ang airline company na umabot lamang sa 10% ang naibalik sa kanilang operasyon.
Humingi naman ng paumanhin ang Cebu Pacific sa kanilang mga kustomer kasabay nang pagtitiyak na ginagawa nila ang lahat kahit malaking hamon ito sa kanilang kakayahan.
“We remain committed to our customers to complete pending refunds, and will update them once these have been processed,” bahagi pa ng statement ng Cebu Pacific. “We understand how challenging this whole situation is, and we sincerely apologize for the delay.”
-
Olympic meeting kanselado, preparasyon naantala vs COVID-19
KINANSELA ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak. Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula April 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausanne, Switzerland. Magpapalitan kasi ng mga idea ang iba’t ibang sports governing bodies, tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics. […]
-
Upakang Ancajas, J Ro matutuloy na sa Abril
MATUTULOY na ang muling pag-akyat ng ruwedang parisukat ni world men’s boxing champion Jerwin Ancajas makalipas ang may na buwa nang pagkakapirmi lang sa Estados Unidos. Sinabi nio Manny Pacquiao Promotion (MPP) president Sean Gibbons, na papanhik sa lonang de lubid si Ancajas upang harapin si Jonathan Rodriguez ng Mexico sa pagtatanggol sa kanyang […]
-
DSWD, nagbigay ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa Mindanao flood victims
NAGBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P70 milyong halaga ng humanitarian aid sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslides sa Mindanao. Base sa pinakabagong ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), sinabi ng DSWD na 312,346 pamilya o 1,078,531 katao ang naapektuhan sa 652 […]