• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS

NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.

 

Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA.

 

“Lubos kaming nagpapasalamat na ang aming medical at health care providers ay nakatuon at matatag. Sila ay walang pagod na nagtatrabaho at nagbibigay ng masigasig na pangangalaga at serbisyo sa nagdaang anim na buwan, ” ani Mayor Toby Tiangco.

 

“Pinahahalagahan namin ang mga sakripisyo na kanilang ginagawa para sa aming mga kapwa Navoteño. Inaasahan namin na makakatulong ang SRA na mapalakas ang kanilang moral at bibigyan sila ng bagong lakas habang patuloy nating nilalabanan ang health crisis,” dagdag niya.

 

Noong nakaraang Mayo, ang City OrdinanceNo. 2020-20 ay nagbigay sa mga health workers sa Navotas na direktang contact ng mga suspected, probable at positive ng COVID-19 ng karagdagang bayad na katumbas ng maximum na 25 porsyento ng kanilang buwanang suweldo.

 

Alinsunod sa Malacañang’s Administrative Order No. 28 na nagsasaad na ang SRA ay kinu-computed sa isang na-rate na batayan depende sa bilang ng araw ng mga public health workers na pisikal ng kanilang trabaho. (Richard Mesa)

Other News
  • Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, […]

  • IPINAGKALOOB kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

    Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa  “mental, emotional, at social qualities” ng mga kabataang kababaihan.  Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon para  “prepare young women for their responsibilities in the home, the nation, […]

  • Komportableng damit sa mga guro at estudyante, pinayagan sa Maynila

    PINAHINTULUTAN ng Division of City Schools sa Maynila na magsuot ng mga komportableng damit ang mga guro at mag-aaral ng lungsod sa pagpasok sa eskwela, bunsod na rin ng napakainit na lagay ng panahon.     Layunin umano nito na mabawasan ang init na nararamdaman ng mga guro at mga estu­d­yante habang nasa loob ng […]