P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga parcel na idineklarang “bags of candy”.
Sa isinagawang ekasaminasyon natuklasan na ang ang 4 na clear plastic sealed ay naglalaman ng hinihinalang ecstasy tablets na nakalagay naman sa caramel candy bags.
Sa laboratory results na isinagawa ng PDEA, lumabas na positibo na ecstasy ang laman ng nasabing mga parcel. Kinilala ang suspek na si Kim Fuentes mula sa Makati City na naaresto habang kini-claim nito ang parcel.
Itinurn-over na sa PDEA ang consignee at ecstasy para sa inquest proceedings para sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaugnayan sa pagbabawal sa pag-import, Goods Liable for Seizure and Importation at Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA)
-
MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN
May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office. Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga […]
-
Pagdinig ng Quad Comm magpapatuloy kahit naka-recess ang Kongreso – Abante
MAGSASAGAWA ng pagdinig ang quad committee ng Kamara de Representantes kahit na naka-recess ang sesyon ng Kongreso upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na masusing mapag-aralan ang magkakaugnay na isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ilegal na droga, money laundering, at mga extrajudicial killings (EJKs) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. […]
-
P154 B railway project bukas sa PPP
MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP). “The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue […]