P20/kilo ng bigas, tutuparin ni Marcos
- Published on May 30, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutuparin ang pangako na ibababa sa P20 per kilo ang presyo ng bigas habang binibigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka.
Sinabi ni Marcos noong Huwebes na nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang presyo ng bigas sa kasalukuyang presyo.
“We need to form the value chain. I’m already in talks with several traders and asked them if it’s possible to hold the current prices for a few months. I think we’ll be able to do it as a first step,” ani Marcos.
“But in the long term we need to fix the value chain. That’s the only way to do it,” dagdag niya.
Ipinaliwanag din ni Marcos na isang malaking hamon sa pagsasakatupan ng kanyang pangako ang tumatanda ng populasyon ng mga magsasaka habang wala namang interes na pumasok sa pagsasaka ang mga kabataan.
“Unfortunately farmers don’t want their children to become farmers too. To address this, we must employ new technologies, it has to be industrial farming to attract the youth to pursue careers in agriculture,” ani Marcos.
Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang local agriculture industry sa gitna ng mga murang agricultural products na pumapasok sa bansa. (Daris Jose)
-
PNP nakahanda sa pagpapatupad ng ‘granular lockdown’ sa NCR
Tiniyak ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na handa ang PNP sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila kung ito ang ipag-utos ng IATF pagtatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Setyembre 7. Ang granular lockdown ay pagsasara ng bahagi ng barangay, na may mataas na kaso ng COVID 19. […]
-
‘Red-tagging spree’ vs kabataan, katiwalian ibinabala sa P150-M DepEd confidential funds
KINONDENA ng isang human rights group ang kontrobersyal na P150 milyong confidential funds na mungkahing ibigay ng Department of Education — bagay na posibleng magamit pa raw sa katiwalian at paniniktik sa kabataan. Bahagi lang ito nang mahigit P650 milyong proposed confidential funds sa ilalim ni Bise Presidente Sara Duterte sa 2023, na […]
-
Tanza Marine Tree Park clean-up
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang sama-samang paglilini sa Tanza Marine Tree Park, Navotas CIty. Hinihikayat din ng punong lungsod ang mga Navoteño na makilahok sa International Coastal Clean Up sa September 21, 2024 sa Barangay BBN Coastal, pati na sa Tanza Marine Tree Park. (Richard Mesa)