• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200-M hiling ng ECOP sa gov’t bilang ayuda sa nagsarang SMEs para makabayad sa 13th-mo. pay

Nagpapasaklolo ang grupo ng mga employers sa gobyerno na tulungan ang mga maliliit na negosyo na posibleng hindi makapagbigay ng 13th month pay sa pagsapit ng buwan ng Disyembre.

 

 

Inamin ni Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), inihahanda na nila ang sulat at idadaan sa DTI na sana maglaan ang gobyerno ng P200 million na ipapautang sa mga small and medium industries na walang interes at maaaring mabayaran sa loob ng isang taon.

 

 

Umaasa naman kasi ang mga negosyante na baka sa papasok na bagong taon ay makakabawi na ang negosyo sa bansa.

 

 

Sa pagtaya ni Ortiz baka abutin sa tatlong milyon ang mga manggagawa ang hindi raw makakatanggap ng 13th month pay na nakasaad sa batas dahil sa nagsara na ang mga negosyo bunsod ng epekto ng pandemya.

 

 

Batay pa sa pagtaya ng ECOP nasa 800,000 na SMEs o small and medium enterprises ang nagsara na.

Other News
  • PDu30, hindi bahag ang buntot at hindi duwag nang umatras sa debate kay Carpio; Panelo, hinamon ng debate si Carpio

    HINDI kaduwagan o pagka-bahag ng buntot ang ginawang pag-atras ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa debate nito kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.   Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa kumalat sa Twitter na hashtag #DuterteDuwag.   Sa halip kasi na si Pangulong Duterte ang makipag-one-on-one debate […]

  • PBBM, nagdeklara ng State of Calamity sa mga ‘Paeng’-hit regions

    INILAGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Region IV-A (Calabarzon), Bicol Region, Western Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim  ng state of calamity sa loob ng anim na buwan.  Ito’y bunsod na rin ng matinding pagkawasak ng mga nasabing lugar  dala ng Severe Tropical Storm “Paeng.” Nauna rito,  nagpalabas […]

  • Kahit nalungkot sa ‘kawalan ng respeto’: ICE, masaya dahil malaya na ang ‘Dabarkads’ kaya sulong lang

    SA Instagram post ni Ice Seguerra noong Miyerkules, nagpahayag ito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa producer ng ‘Eat Bulaga!’ na TAPE Incorporated.     Sa panimula ng Asia’s Acoustic Sensation, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?     “Malungkot […]