• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon ng Department of Finance (DOF) kaugnay na rin ng serye ng pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

“Inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF kaugnay sa pagtaas ng fuel price,” ayon kay Andanar.

 

 

“Una, ang pag-retain ng fuel excise taxes na ini-impose ng TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law dahil ang pagsuspende nito ay magre-reduce ng government revenue ng P105.9 billion na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan. At pangalawa, ang pagbibigay ng targeted subsidies ng P200 bawat household to the bottom 50% of Filipino households,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang inirekumenda ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Duterte na ibasura ang panukalang suspindehin ang implementasyon ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN law.

 

 

Sa Talk to the People na inere ngayong Miyerkules, sinabi ni Dominguez na imbes na suspindehin, maglalaan na lamang ng P200 kada buwan sa bawat pamilya sa loob ng isang taon para sa mga Pinoy na nasa bottom 50 porsiyento ng populasyon.

 

 

Idinagdag ni Dominguez na maglalaan ng P33.1 bilyon para pondohan ang ayuda para sa mahihirap.

 

 

Matatandaang, nanawagan ang iba’t ibang grupo kay Pangulong Duterte para ipatigil ang implementasyon ng excise tax sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis.

Other News
  • Paano gagawin ng libreng cards sa cashless fare daw?

    HINDI katanggap tanggap kay DOTr Sec. Art Tugade na mamigay ng 125,000 cards lang ang Beep sa mga pasahero. At sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito.   Ang magiging problema lang ay ang pamamahagi ng cards. Kung mag prioritize sila ng mga indigent, unemployed o minimum-wage earners baka kailangan pang mag […]

  • LeBron James nananatiling highest-paid NBA player ng Forbes

    HAWAK pa rin ni Los Angeles Lakers star LeBron James ang may titulong highest paid na manlalaro sa NBA.     Ayon sa Forbes, na ito na ang pang-11 na taon na hawak ni James ang nasabing titulo.     Ngayong 2024-25 season kasi ay mayroon itong $48.7 milyon na sahod at estimated na $80-M […]

  • Walang taas-pasahe sa PUV, hanggang matapos ang 2022

    TINIYAK  ng Department of Transportation (DOTr) na walang magaganap na pagtataas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan hanggang sa pagtatapos ng 2022.     Ito ang binigyang diin ni DOTr Secretary Jaime Bautista kasabay nang pagsasabing huli na ang inaprubahang taas-pasahe sa maraming public utility vehicle noong Setyembre.     Mas makabubuti umano na hindi […]