• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P215.64-B budget, inihirit para sa flood control projects sa 2024 – DBM

TINITINGNAN ng administrasyong Marcos ang budget allocation na P215.643 billion para pondohan ang  flood mitigation projects para sa taong 2024.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay kasama sa 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) Flood Management Program.

 

 

“In 2023, for this year, we have a budget of P185 billion and for 2024, we proposed P215.643 billion under the Department of Public Works and Highways’ Flood Management Program,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa ni Pangandaman na sa ilalim ng panukalang 2024 project ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tinatayang may P1.3 billion ang gagastusin para sa  flood mitigation projects.

 

 

Mayroon din aniyang  “foreign-assisted” projects gaya ng Pampanga Integrated Disaster and Risk Resiliency Project at ang  Bulacan Angat Water Transmission Project.

 

 

“For Pampanga, it’s a loan so we just funded the government counterpart. So for the Pampanga, it’s P1.397 billion and for Bulacan, it’s P7.4 billion,” dagdag na wika ni Pangandaman.

 

 

Samantala, humirit  naman ang administrasyong Marcos ng P543.45 billion para sa implementasyon ng climate change mitigation at adaptation projects at mga programa para sa susunod na taon.

 

 

Ang panukalang budget para sa  climate change expenditure tagging ay katumbas ng 9.4% ng kabuuang panukalang budget, lampas sa  commitment  ng gobyerno na 8% share sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

 

 

“Much of the projects is for water sufficiency (P294.46 billion); for sustainable energy (P180.72 billion); for climate-smart industries and services (P6.02 billion); for ecosystem and environmental sustainability (P5.95 billion),” ayon pa rin sa Kalihim.

 

 

“Another P12.97 billion [will be] for knowledge and capacity development; food security (P40.18 billion); human security (P2.58 bilion); and cross cutting actions (P550 million),” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • KELOT TODAS SA PINAGSELOSANG KATRABAHO NG GF

    DEDO ang isang 20-anyos na kelot matapos saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng kanyang girlfriend sa Valenzuela city.   Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan ang biktimang si Jerome Vicente, 20, ng Sauyo, Quezon City.   Nadakip naman at nahaharap ngayon sa kasong homicide ang suspek na kinilalang si […]

  • QC nagkaloob ng P100M para sa EDSA busway ramps

    Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nagkaloob ng P100 million para sa konstruksyon ng elevated ramps sa kahabaan ng EDSA.   Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos matapos ang ginawang inspection sa Balintawak market noong makalawang araw.   Ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public […]

  • Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagya uling tumataas

    Nagpaalala muli ang OCTA Research Group sa mamamayan ng Metro Manila nang ibayong pag-iingat makaraang ma-monitor ang unti-unting pagtaas muli ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.     Sa datos mula sa grupo sakop ang petsang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, tumaas man sa .68 mula sa .57 ang COVID-19 reproduction rate […]