• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P238K shabu nasamsam sa drug suspect sa Valenzuela

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Gie, 57, ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng suspek ng shabu.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-6:15 ng umaga sa Liwayway St. Brgy. Marulas, matapos umanong bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap ba buyer.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang apat plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000, buy bust money na isang P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.

 

 

Ani P/MSg. Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Di naging hadlang ang edad para matutunan ang sport: GIL, naging abala sa jiu-jitsu at nanalo ng first gold medal

    MARUNONG na raw si Lianne Valentin na ibalanse ang kanyang trabaho at personal na buhay.     Kailangan daw niyang matutunan ito dahil tumatayo siyang breadwinner ng kanilang pamilya.     At dahil sa pagsusumikap niya, nakapagpundar na siya ng sarili niyang sasakyan at nakabili na siya ng bagong bahay para sa pamilya niya.   […]

  • ‘Paglagay sa NCR sa mas mababang alert level sa kabila ng Omicron variant, inaaral pa’

    Kasalukuyang pinag-aaralan ng Inter Agency Task Force (IATF) na ilagay sa mas mababang alert level ang National Capital Region (NCR).     Ito’y sa kabila ng banta ng bagong Omicron variant ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinitignan na ng IATF kung napapanahon nang ilagay sa […]

  • Bayanihan 2 funds, naibigay at nagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan- Sec. Roque

    NAIBABA sa mga line agencies o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng P165 billion Bayanihan 2 law funds.   Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na nabigo ang pamahalaan na gamitin ang mahigit na P6 bilyong halaga ng Bayanihan 2 funds na napaso na nitong Hunyo […]