P272 milyon lang nagastos sa kampanya ni BBM
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
KUNG ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.
Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, sa ulat ng ABS-CBN News pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes.
“The PFP spent P272 million by way of expenses in the last 2022 presidential campaign, which is well below the maximum expenditure of P337 million allowed by law for a national political party,” ani Briones kanina.
“The PFP SOCE was signed and prepared by PFP National Treasurer Antonio Ernesto ‘Anton’ Lagdameo who was recently nominated as by President Elect Ferdinand Marcos, Jr. as his SAP or Special Assistant to the President.”
Ang spending limit para sa mga political party ay nasa P5 kada botante na aabot sa P337 milyon. Para sa mga kandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente, P10 kada botante ang pinapayagan, na aabot sa P675 milyon. Inaasahang maghahain din si Marcos Jr. ng sarili niyang SOCE.
Tanging si Sen. Panfilo “Ping” Lacson pa lang ang nagsumite ng kanyang SOCE sa 10 kumandidato sa pagkapangulo ngayong 2022. Hinihingi ito ng Comelec para malaman ang ginastos para sa isang halalan, kabilang ang mga donasyon at kung may sobra pa sa pondo. Meron kasing “spending limit” para rito.
Kinukumpirma pa naman sa Comelec kung natanggap na nila ang SOCE ng PFP pati na ng iba pang presidential candidates.
Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng “troll farms” — na nangangailan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.
Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.
Sa Miyerkules nakatakda ang deadline ng paghahain ng SOCE ng mga kumandidato, na siyang hindi na ie-extend ng Comelec.
Matatandaang iprinoklama ng Kongreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. (Daris Jose)
-
Ads February 24, 2021
-
Bado sumuntok ng tanso sa World Cup
HINDI uuwing luhaan ang national boxing team dahil nasiguro ni Aaron Jude Bado ang nag-iisang medalya ng Pilipinas — isang tanso — sa prestihiyosong 2024 World Boxing Cup na ginanap sa Ulaanbaatar, Mongolia. Nagkasya lamang si Bado sa tanso matapos makaabot sa semifinals. Subalit hindi na ito nakalaro pa sa semis dahil sa desisyon ng […]
-
Subpoena kay Bantag, naisilbi na ng DOJ
IKINOKONSIDERA ng Department of Justice (DOJ) na naihain na kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang subpoena ukol sa kasong murder na inihain sa kaniya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) at Cristito Villamor Palana. “The subpoena was served to the last known address of […]