• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P29/K bigas sinimulan nang ibenta sa Kadiwa stores

 

NAGSIMULA nang magbenta ang gobyerno nitong Huwebes ng P29 kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa stores sa ilang tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA).

 

 

“Ngayong araw ang simula ng Kadiwa center sa NIA, makabibili ng P29/kilo na bigas ang senior citizen, miyembro ng 4Ps,” pahayag ni NIA Administrator Eduardo Guillen.

 

Samantalang nakatakda namang ilunsad sa susunod na linggo ang programa sa P29 kilo ng bigas sa mga Kadiwa Centers para mas marami pang mga konsumer mula sa nabanggit na sektor ang makabili.

 

Ayon kay Guillen at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., limitado lamang sa 10 kilo ng bigas kada konsumer ang pahihintulutan upang mas marami pa ang mapagsilbihan ng nasabing P29 kilo ng bigas program.

 

Bagong ani ang bigas na ibebenta na masarap at magandang klase.

 

Aminado naman ang opisyal na ang mataas na presyo ng bigas ay isang matinding hamon sa gobyerno lalo na sa mga surveys ay lumilitaw na mataas pa rin ang inflation sa bansa.

 

Una nang sinabi ni Laurel na ang pagbebenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo ay isang long term program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Other News
  • Türkiye, nagmarka ng 75 taon sa Pinas: masigasig para sa environment tie-up

    KAPWA minarkahan ng Pilipinas at Türkiye ang 75 taon ng diplomatic relations sa pagtatanim ng 75 myrtle seedlings, simbolo ng matibay na commitment sa bilateral ties sa mga darating na taon, ayon sa Turkish Embassy sa Maynila.   Ang tree planting event, idinaos sa Makiling Botanic Gardens (MBG) sa Los Baños, lalawigan ng Laguna ay […]

  • WORST SCENARIO, HANDA ANG MAYNILA

    TINIYAK ni Manila Mayor Isko Moreno na nakahanda ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa “worst possible scenario’ ng COVID-19.   Sinabi ni Domagoso na sa nagdaang dalawang linggo ginagawa na ng pamahalaang lungsod ang 24/7 monitoring at pagpapaigting ng contact tracing  upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Maynila.   “[We are […]

  • PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference

    PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.     HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa  Presidential Guest House  dahil patuloy siyang nasa isolation  matapos na magpositibo sa COVID-19 testing  noong nakaraang linggo.     Bumuti naman ang kalusugan ng […]