• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P2K allowance sa PWDs, hirit sa Kamara

INIHAIN  ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kongreao ang pagbibigay ng P2,000 support allowance kada buwan sa mga persons with disabilities (PWDs) bilang tulong sa mga ito.

 

 

Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social support program ay itinutulak din ng advocacy group na Life Haven Center for Independent Living, Nationwide Organization of Visually-Impaired Empower Ladies at Philippine Coalition on United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities.

 

 

Batay sa panukala, unang makatatanggap ang mga edad 17 taong gulang pababa at makalipas ang tatlong taon ay susunod naman ang 18 hanggang 59-anyos at makalipas ang tatlong taon ay ang nalalabing age bracket.

 

 

Aniya, dala na rin ng hirap na makapagtrabaho ang mga PWD at bunsod ng banta ng COVID-19 patuloy na naghihirap ang mga ito at hindi na makaahon sa buhay.

 

 

Ayon sa solon, ang mga PWD ay tinatayang 12% ng populasyon ng bansa.

 

 

“In a just and humane society that leaves no one behind, it is important that we ensure equitable access and empower persons with disabilities to free themselves and their families from the poverty trap,” dagdag pa ng solon.

 

 

Upang hindi mabigla ang gobyerno sa kakailanga­ning pondo, iminungkahi sa panukala ang progressive roll-out ng programa. (Daris Jose)

Other News
  • Obrero arestado sa shabu, gun replica at mga bala sa Valenzuela

    KALABOSO ang isang construction worker matapos mabisto ang dalang shabu, gun replica at mga bala makaraang takbuhan ang mga sumitang pulis dahil sa pag-iinuman sa kalye sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Sub-Station 2 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Osias Patenia, 41 ng Blk 3 […]

  • Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award

    SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year.   Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]

  • Panelo, binuweltahan si Trillanes

    BINUWELTAHAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV makaraang bansagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “narcissist”.   “Palibhasa kasi pag nakikita nitong dating senador na ito ang sarili niya sa salamin, nakikita niya ‘yung paglalarawan niya kay Presidente actually ang nilalarawan niya siya ,” ang pahayag ni Panelo sa kanyang […]