• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P300-B loan ng Duterte gov’t sa BSP, fully paid na – DOF

BINAYARAN na umano ng “buo” ng pamahalaan ang natitirang P300 bilyon na provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong araw.

 

 

Mas maaga kaysa sa petsa ng maturity na June 11 ayon sa Department of Finance (DOF).

 

 

Ito ay alinsunod na rin sa layunin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na “unwinding liquidity support” mula sa BSP bago magsimula ang susunod na administrasyon.

 

 

Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang gabinete ay bababa sa puwesto sa Hunyo 30.

 

 

Sa pahayag na inilabas ng DOF, ang maagang pagbabayad ay naging posible sa pamamagitan ng mas maaga kaysa sa inaasahang pagbabalik ng ekonomiya sa pre-pandemic strength.

 

 

Lumawak ng 8.3 porsiyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa unang quarter, dahilan upang ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa rehiyon ng ASEAN para sa panahong iyon.

 

 

Ang provisional advance ay isang panukala sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7653 o The New Central Bank Act na nagpapahintulot sa BSP na palawigin ang short term financing sa gobyerno ng hanggang 20 porsiyento ng average na taunang kita sa nakalipas na tatlong taon.

Other News
  • Nagtala na naman ng history: SB19, first Pinoy group na na-feature sa Japanese YT channel na ‘The First Take’

    NAGTALA na naman ng history ang SB19.         Sila ang kauna-unahang Pilipino na itinampok sa Japanese Youtube channel na The First Take na nagpapalabas ng mga artists na kakanta ng live na isang take lamang, walang cut, walang take 2 ang performance.         Napapanood ang almost perfect na pag-awit […]

  • Diokno, Medalla, Pascual, Bonoan kinuha rin bilang bahagi ng BBM administration

    TATLO  pang magiging miyembro ng gabinete ng incoming administration ang inanunsiyo ngayon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.     Kinumpirma ni Marcos na kanyang magiging Trade secretary si Alfredo Pascual isang international development banker, finance expert at dating naging presidente ng University of the Philippines System     Pinangalanan din ni Marcos ang kasalukuyang Bangko […]

  • MARIAN, parang kapatid na talaga ang turingan nila ni GLAIZA simula pa noong ‘Amaya’

    PARANG magkapatid na pala ang turingan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso actress Glaiza de Castro, simula pa noong unang magkasama sila sa GMA epic serye na Amaya in 2011.     Gumanap silang magkapatid sa serye kaya ang tawagan nila noon ay ‘Bai’ na ibig sabihin ay ‘sister’ at hanggang sa ngayon […]