P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya.
Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises.
Sinusuportahan ng state lender ang nasa kabuuang 687 borrowers na binubuo ng 462 micro , small at medium enterprises, 115 kooperatiba , 105 malalaking negosyo at 5 micro-finace institutions.
Sa ilalim ng naturang programa, maaring makapag-loan ang mga kwalipikadong borrowers ng hanggang 85% ng kanilang emergency o permanent working capital requirements na may abot kayang interest rate na 5% kada taon sa loob ng tatlong taonnna maaaring bayaran ng hanggang 10 taon at may maxmum 2 years na grace period para sa paunang bayad.
Sa naturang programa, mayroon ding ibinibigay na sub-credit facility para sa mga MSMEs at kooperatiba gayundin para sa mga self-employed na indibidwal na nakarehistro sa DTI ar sa Securities and Exchange Commission (SEC) na lubhang apektado ng pandemiya.
Ayon kay Landbank president and CEO Cecilia Borromeo na batid nila ang mahalagang kontribusyon ng local businesses para mapabilis ang economic recovery ng bansa kayat patuloy aniya ang kanilang pagbibigay ng napapanahon at accessible na credit assistance para sa kanilang pangangailangang pinansyal sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.
Maaaring makapag-avail sa naturang programa ng LandBank na magtatagal hanggang sa katapusan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
-
Nasa South Korea para sa upcoming ‘Charity Exhibition fight’: MANNY, nag-guest sa original na ‘Runnning Man’ at hindi sa Pinoy adaptation
NAPABALITANG maggi-guest si dating Senator at Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa “Running Man Philippines” na adaptation ng Korean variety show. Every weekend kasi na napapanood sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar, lagi rin silang may special guests sa show, kaya hindi kataka-takang mag-guest ang boxing […]
-
PEOPLE’S ALLIANCE FOR DEMOCRACY & REFORM (PADER), inilunsad para suportahan ang administrasyon ni PBBM
LUMAGDA sa isang manipesto ang limampung lider mula sa iba’t ibang alyansa at multisectoral groups sa iba’t ibang panig ng Pilipinas nitong 18 ng Oktubre 2024, upang ilunsad ang People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER ng Demokrasya) para suportahan ang pamumuno ni PBBM at ipagbunyi ang mga magagandang programa at repormang kanyang nasimulan para […]
-
Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque
WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP). “Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man […]