P340K droga nasabat sa 2 HVI sa Valenzuela drug bust
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga.
Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation kontra kina alyas ‘Lupa’, 37, at alyas ‘Bukol’, 43, kapwa residente ng Brgy. Mapulang Lupa.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa patuloy umanong pamamayagpag ng mga suspek sa pagbebenta ng illegal na droga hanggang sa magawa nilang makipagtransaksyon sa mga ito.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:40 ng umaga sa harap ng isang eskuwelahan sa Avocado Ext., Brgy. Mapulang Lupa.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340,000, buy bust money na isang P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin pouch.
Sa record ng SDEU, ilang beses ng naaresto ang mga suspek dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.
Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II of RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Malaking Chinese firm, nag-commit ng mas maraming investments sa Pinas kasunod ng pagbisita ni PBBM sa China
NAG-commit ang isang Chinese construction firm ng mas maraming investment sa PIlipinas partikular na sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP). Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China nito lamang unang bahagi ng buwang kasalukuyan. Sa naging courtesy call sa Pangulo, araw ng Lunes, ipinanukala ng China […]
-
‘Wag mag-iwan ng alcohol sa sasakyan – MMDA
PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan. Sinabi ng MMDA na maaaring magdulot ng disgrasya ang alcohol kapag naiwanan sa loob ng sasakyan lalo na kung mabibilad ito sa matinding init ng araw. […]
-
ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’
NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night. Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute. “Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa […]