P3M DROGA NASAMSAM SA BUY BUST SA MAYNILA
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ang tinatayang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong naarestong tulak sa magkahiwalay na drug operation sa Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Abdulmanan Buisan, Sarah Manonong at Marissa Manansala.
Si Buisan ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang 367.6 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P2,499,680.
Nakumpiska naman kina Manonog at Manansala ang 18 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 160 gramo nang maaresto naman ng mga tauhan ng Barbosa Police Station- MPD PS 14.
Tinatayang aabot sa P1,088,000 ang halaga ng iligal na droga na nasamsam sa dalawang babaeng suspek.
Ayon sa MPD, matagal nang minamanmanan ang mga suspek na pawang mga target sa operasyon dahil sa kanilang iligal na aktibidad.
Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang supplier ng mga suspek ng iligal na droga. (GENE ADSUARA)
-
Ilang executive posts, bakante
BAKANTE pa rin ang ilang posisyon sa executive department. Base sa Memorandum Circular 1 na nilagdaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez , nakasaad dito ang mga posisyon na kinokonsiderang bakante simula noong tanghali ng Hunyo 30, o nang magsimula ng umupo sa kanyang tanggapan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang mga ito […]
-
TOM CRUISE TAKES TO THE SKIES AGAIN AFTER 36 YEARS IN “TOP GUN: MAVERICK”
THIRTY-SIX years after portraying Pete “Maverick” Mitchell in Top Gun, Tom Cruise returns to the iconic role that catapulted him to global superstardom, with the long-awaited sequel, Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick (in Philippine cinemas May 25). [Watch the film’s final trailer at https://youtu.be/MX3gBYuV5Jg] “I’d thought about a sequel to Top Gun for all these years,” […]
-
Pagbubukas ng ilang negosyo para lang sa bakunado, plano ng DTI
Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas ng ilang mga negosyo at ibang aktibidad na hindi pinapayagan habang nakataas ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lugar, subalit para lamang sa mga bakunado. Ayon kay DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte sa isang panayam. kabilang sa […]