P4.2 BILYONG PISO HALAGA NG IMPRASTRAKTURA, WINASIWAS NG BAGYONG ULYSSES
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa P4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses.
Sa idinaos na Special Presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na pumalo na sa aabot sa 52 road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa bagyong Ulysses.
Binigyang diin ng Kalihim na sarado ang mga kalsada dahil sa landslide, makapal na putik, mga natumba na puno at baha.
Sa nasabing bilang, may 14 na kalsada ang mula sa Cordillera Administrative Region; isa sa Region 1; 13 sa Region II ; 8 sa region III, 7 sa region 4-a; 8 sa region 5 at isa sa region 8.
Sinabi ng Kalihim na, 19 ang national road na may limited access habang 92 naman ang naisarang kalsada pero dahil sa mabilis na pag- aksyon ng DPWH ay 40 ang agad na na-clear.
Samantala, nasa P1.19 billion ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura partikular sa region 1, 2, 3, Calabarzon, region 5 at Cordillera region.
Umabot na sa P469.7 million ang pinsala sa imprastraktura sa region 1,Mimaropa at region 5.
Nasa 25,852 naman na mga kabahayan ang nasira dahil sa hagupit ng bagyo.
Ito ay base sa isinagawang damage assessment ng ahensiya sa mga rehiyon na lubhang hinagupit ng Bagyong Ulysses.
Nilinaw naman ng NDRRMC na walang discrepancy sa kanilang mga figures dahil sumailalim na ito sa validation.
” There is no discrepancy po sa figures. The figures provided by the good Secretary ng DPWH is their agency’s estimate of the possible damages to infrastructure incurred in all affected areas,” paliwanag ni Timbal.
Sinabi ni Timbal ang datos o figures na inilalabas ng NDRRMC ay ang actual computed damages na iniulat ng mga regional DRRMCs batay sa isinagawa nilang damage assessment.
Dagdag pa ni Timbal, hinihintay pa rin nila ang ulat ng iba pang mga DRRMCs para sa kanilang report kaugnay sa naging epekto ng bagyo. (Daris Jose)
-
Experience the Explosive Action and Unparalleled Chemistry of Will Smith and Martin Lawrence in “Bad Boys: Ride or Die”
Will Smith and Martin Lawrence – cinema’s bad boys of action-comedy – are back again in Bad Boys: Ride or Die. “It’s magical to see them both together,” says Bilall Fallah, who directs with his partner Adil El Arbi, and are best-known as simply Adil & Bilall. “It’s unbelievable, the […]
-
Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela
DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang […]
-
PUVs hihigpitan sa alert level 3
Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 3 sa National Capital Region (NCR), mahigpit na ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang istriktong basic health protocols sa mga transportasyon kabilang na ang mga public utility vehicles (PUVs). “I am ordering all transport sectors to strictly enforce the health and safety protocols in order to […]