• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P4.5 bilyong confidential, intel funds ng Office of the President mananatili

MAAARING  manatili na lamang ang P4.5 bilyon na panukalang confidential at intelligence funds (CIFs) ng Office of the President (OP).

 

 

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ito ay sa sandaling amyendahan ng Senado ang panukalang P5.268 trilyong 2023 General Appropriations Bill (GAB).

 

 

Idinagdag pa ni Angara na wala siyang nakikitang dahilan para bawasan ang CIFs ng Pangulo dahil hindi naman humingi ng dagdag nito si Pangulong Bongbong Marcos.

 

 

Nanatili umano ang nasabing pondo simula noong panahon ni da­ting pangulong Rodrigo Duterte at ngayon panahon ni Marcos ay hindi na ito pinadagdagan pa ng Pangulo.

 

 

Kaya patas lamang umano na kung ano ang nasa ilalim ni Duterte ay siya rin ibigay kay Marcos.

 

 

“So, sa amin, parang fair lang ‘yun — kung ano ‘yung nasa ilalim ni Pangulong Duterte, ‘yun din ang dapat ibi­gay kay Pa­ngulong Marcos, lalong-lalo na at napakalaki ng kanyang mandato, mara­ming umaasa po sa kanya at talagang siya po ang responsable,” sabi pa ni Angara. (Daris Jose)

Other News
  • Diaz alerto habang palapit Summer Olympics Games

    HINDI maiwasan ni 31st Summer Olympic Games 2016 Rio de Janeiro women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang tumingin lagi sa countdown ng 32nd Summer Olympic Games 2020 na iniurong lang sa darating na Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.     “Closer and closer! Just 150 days to go to @Tokyo2020,” […]

  • DOST-FNRI launches ‘new variant’ of enhanced nutribun made of carrots

    The Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) launched its newest innovation: an enhanced nutribun made of carrots.     “Carrots is like a squash and other colored fruits and vegetables that contain beta carotene. (Beta carotene) when ingested will be metabolized to vitamin A that helps keeps the eye healthy, and […]

  • Ads January 16, 2023