P4 BILYON NA DROGA, SINUNOG SA CAVITE
- Published on April 28, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG mahigit sa P4 bilyon halaga ng hinihinalang droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City Huwebes ng umaga .
Ang naturang mga droga ay kabilang sa mga iba’t-ibang drug evidence na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang mga counterparts na law enforcement at military units.
Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 700 kilograms na nagkakahalaga ng P4,154, 802,996.83 bilyon kabilang ang 601,447,0994 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P4,089,840.92; 110,694,1323 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P13,283,295.88; 6,2800 gramo ng Cocaine na nagkakahalaga ng P33,284.00; 12,974.999 gramo ng MDMA o Ecstasy na nagkakahalaga ng P51,534,890.70; 32,5200 gramo ng Meth +Ephedrine na nagkakahalaga ng P111,218.40; 343,4410 gramo ng Codeine; 0.0200 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P6.91; 0.3500 gramo ng Phentermine na nagkakahalaga ng P25.03 at 177.500 milliliters na Liquid Marijuana.
Ang Thermal Decomposition, o thermolysis, ang isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init nito.
Ang pagsira sa mga iba’t ibang droga ay pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa mga nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.
Ang pagsunog ay dinaluhan ng mga representatives mula sa Department of Justice (DOJ); Department of Interior and Local Government (DILG); mga Local Officias mula sa Brgy Agudo, Trece Martires City, Philippine National Police (PNP) at iba pang Law Enforcement Agencies at non-government organization (NGO) at ilang mga kapatid sa pamamahayag. GENE ADSUARA
-
Ads February 26, 2022
-
Pinay figure skater wagi ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy
Nagwagi ng gintong medalya ang Filipina figure skater Sofia Frank sa Asian Open Figure Skating Trophy. Naganap ang nasabing torneo sa Indonesia kung saan mayroong kabuuang points ito na 143.97. Nakakuha ito ng 50.19 points sa Short Program at 93.78 naman sa Free Skating. Nasa pang-pitong puwesto naman ang […]
-
POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO
BANTAY-SARADO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”. Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen. Ayon kay Nartatez, inilunsad ang […]