P453-B inilaan para sa climate-related expenditure para sa 2023
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
ISASAMA sa panukalang National Expenditure Program (NEP) for 2023 ang P453 billion para sa climate change adaptation at mitigation programs at projects.
Sa isang press statement, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang climate-related expenditure para sa susunod na taon ay 56.4% na mas mataas kumpara sa P289.73 bilyon ngayong taon.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nag-document ang kanyang tanggapan ng average na 21.3 percent increase sa climate-related expenditures mula 2015 hanggang 2023.
“With the continuous help of implementing agencies and of every Filipino, we can work towards climate resiliency to safeguard a sustainable future for our country,” ayon kay Pangandaman.
Ang joint memorandum ay naglalayong “i- track, monitor, and report programs that help address and alleviate problems posed by climate change.”
Ang CCET process ay hakbang para sa progreso sa implementasyon ng climate change initiatives.
Tinukoy ang CCET results, sinabi ng DBM na P264.89 billion ay inilaan para sa Water Sufficiency projects na binigyang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon, P131.51 billion para sa Sustainable Energy; at P40.78 billion para sa Food Security.
Makatanggap ang Department of Public Works and Highways ng budget allocation na P168.9 billion para sa Flood Management Program.
“This will cover the construction and rehabilitation of flood-mitigation structures and drainage systems nationwide,” ang pahayag ng Budget department.
Ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources ay makakakuha ng P2.49 billion para sa pagtatanim ng 6.18 million seedlings sa 11,631 hectares ng land resources, Protected Areas Development and Management Program, at Management of Coastal and Marine Areas.
Nakatuon ang pansin ng Pangulo sa pagtugon sa climate change dahil sa kinikilala nito ang Pilipinas bilang “one of the most vulnerable countries to the impact of extreme climate disasters.” (Daris Jose)
-
Government streamlining bureaucracy, aayusin -PBBM
PAPEL ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang nakasanayang korapsyon. Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.” “So we know, we in the government know what is necessary. So let us take […]
-
Mikey Garcia, tiwalang uunahin muna siya ni Pacquiao na labanan bago kay McGregor
NANINIWALA si four-division champion Mikey Garcia na uunahin siya munang kalabanin ni Manny Pacquiao bago kay UFC star Conor McGregor. Isa kasi ang American boxer na tinukoy ni coach Freddie Roach na potensiyal na makakalaban ng fighting senator. Ayon kay Garcia na 100 porsiyento itong naniniwala na makakaharap siya ni Pacquiao bago ang […]
-
BABAENG TAIWANESE NA WANTED, INARESTO SA PANLOLOKO
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Taiwanese na wanted ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa panloloko sa kanyang mga kababayan ng mahigit sa US$7 million dollars may dalawang taon na ang nakakaraan. Sa ibinigay na report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang […]