• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P46 bilyong 2nd round ng SAP naipamahagi

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may P46.5 bilyong pondo na ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) fund ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

Ayon sa DSWD, may kabuuang 6,951,049 pamilya ang tumanggap ng cash aid kasama na dito ang may 1.3 milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program bene­ficiaries, 3.7 milyong low-income at non-4Ps families gayundin sa halos 1.9 milyong dagdag na pamilya.

 

Inamin naman ng DSWD na nagkaroon ng pagbagal ang pamamahagi ng ayuda sa mga qualified beneficiaries sa pamamagitan ng manual at digital payouts pero tatapusin ang pagbibigay ng pondo hanggang katapusan ng Hulyo.

 

Hanggang sa ikalawang linggo naman ng Agosto matatanggap ng mga benepisyaryo ng SAP na nakatira sa malalayo at liblib na barangay. (Daris Jose)

Other News
  • ANGEL, nagpapasalamat sa mga patuloy na nagdarasal sa kapamilya na nagka-COVID-19

    NOONG Linggo, pinost nga ni Angel Locsin na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang 94-year-old father.     Pero hindi lang ang ama na bulag ni Angel ang na-infect sa nakamamatay na virus.     Sa IG stories na dinagsa ng mga dasal ay sinabi ng premyadong aktres na sampu pang […]

  • Balitang ila-lockdown ang MM ngayong holiday season, fake news

    MULING PINABULAANAN ng Malakanyang na isasailalim sa lockdown ang Metro Manila (MM) na may 12 milyong katao sa panahon ng Pasko at Bagong Taon para mapigil ang pagkalat ng Covid -19.   Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga walang hiya lamang na gustong siraan ang Pasko dahil nagpapakalat ng pekeng balitang ito. “Fake news […]

  • Marcial ingat na magkasakit

    DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya.     Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]