• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC

TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong Hunyo 02, 2022

 

 

Bandang alas-5:45 ng hapon, Naarestado ang consignee, isang residente ng Cainta, Rizal, at ang kanyang kasamahan na residente ng lungsod ng San Juan  alas 5:45 hapon ng Huwebes  matapos tangkaing kunin ang package sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

 

 

Ang kargamento ay idineklara bilang “Bateria, Musical, Dulces” o Set of Toy Drums na ipinadala mula sa Mexico, na dumating noong Mayo 30, 2022.

 

 

Unang nadiskubre ng BOC nang dumaan sa X-ray scanning at sumailalim din sa 100% physical examination.

 

 

Nadiskubre ng customs examiner ang 750 gramo ng shabu na nakasilid sa toy drum set.

 

 

Ang mga claimant ay kasalukuyang sumasailalim sa custodial investigation para sa tuluyang inquest prosecution para sa paglabag sa R.A. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa Seksyon 119 at 14. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law

    MATAPOS  ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.     Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho […]

  • Tanggapan ng pamahalaan sa NCR, inatasan na i-adopt ang skeleton workforce sa panahon ng ECQ

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at instrumentalities sa Kalakhang Maynila na nasa ilalim ng executive branch na magtalaga ng skeleton workforce sa panahon na ipatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.   Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 87, na tinintahan, araw ng Martes ni Executive Secretary […]

  • Unemployment bumaba noong Marso – PSA

    BAHAGYANG  bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.     Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.     Ayon […]