• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5.268 trilyong budget sa 2023, aprub na sa Senado

SA BOTONG  21 pabor at walang pagtutol o abstention ay inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang P5.268 trilyon 2023 national budget.

 

 

Dahil dito kaya sisimulan na nila sa Biyernes ang bicameral conference committee meetings para pag- usapan ang mga hindi napagkasunduang probisyon ng Kamara at Senado.

 

 

Ayon naman kay Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ang 2023 national budget ay para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Filipino matapos ang pandemya at tiniyak na layon din nito ang para sa pagbibigay seguridad sa pagkain, pagbuhay sa edukasyon, paghahanda ng bansa sa epekto ng climate change at iba pa.

 

 

Magkakaroon pa rin umano ng ayuda para sa Filipino subalit hindi na para sa lahat tulad ng nakaraang pagbibigay ng ayuda kundi pili na lamang ang sektor na bibigyan ng ayuda at nakabase lamang sa bigat ng pangangailangan at naging epekto ng pandemya sa kanila.

 

 

Kasama rin sa 2023 national budget ang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Protective Services to Individuals in Crisis Situations, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) at ang Sustainable Livelihood Program. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Temporary relief measures’ hinahanapan para maibsan ang impact ng oil price hike – DOE

    HUMAHANAP na ng temporary relief measurs ang Department of Energy (DOE) para maibsan ang impact ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.     Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa iba pang mga kagawaran para maipatupad ang whole-of-government approach para sa relief measures sa […]

  • Ads July 22, 2023

  • 6,585 na ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal — NDRRMC

    Paparami nang paparami ang bilang ng populasyong apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pagpapatuloy ng mga aktibidad nito habang nasa Alert Level 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).     Sa ulat ng ahensya ngayong 8 a.m., Martes, nasa 6,585 na ang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa rehiyon ng […]